St. Michael's High School...
Tapos na ang klase ko sa first period ngayong umaga. Gusto ko sanang pumunta ng library kaso ay tinatamad ako ngayon talaga. Kasi naman, bukod sa hindi pwede mag-ingay roon ay wala pa akong masasagap na tsismis.
Ewan ko ba. Hindi ko talaga kayang mabuhay kung wala akong tsismis na masasagap sa kada araw ng buhay ko. Bata pa lang ako ay sobrang matabil na ang dila ko. Kahit sa kuwento ng mga matatanda ay hindi talaga ako nagpapahuli.
Sa sobrang daldal at tsismosa ko ay palagi akong napapaaway. Hinding-hindi ko talaga makalimutan noong Grade Three pa lang ako. Dinig ko kasing pinapahawak ng babae kong classmate sa isang batang lalaki ang boobs niya.
Mga walanghiya! Grade Three pa lang nagpi-feeling may dede na? Kaya dahil sa biniyayaan ako ng 'gift of tongue', pinagkalat ko iyon. Syempre, dahil ako ang nagkakalat, nasa akin ang center of attraction. Bidang-bida!
Kaya ayun. Umiyak ang kaklase kong babae. Nagsumbong sa nanay nito kaya naman sinugod ako kinaumagahan.
"Ang bata-bata mo pa pero dakilang tsismosa ka na!" galit na sigaw sa akin ng ale.
"Eh ang bata-bata pa nga po ng anak niyo, nagpapahawak na ng dede niya," walang preno kong sagot sa kanya.
Nanlisik ang mga mata nito sa akin. Bigla akong natakot. Nako ba naman. Sinong bata ba ang hindi matatakot sa isang dambuhalang palaka di ba?
"Bastos kang bata ka ah!"
"Ang bastos po ay nakahubad," singit ko.
Alam kong hindi ko na dapat siya sinasagot. Pero wala eh. Hindi ko talaga kayang tumahimik na lang kung alam kong nasa katwiran ako. Ipaglalaban ko talaga iyon.
Susugurin na niya sana ako pero kumaripas na ako ng takbo. Ang ending, pinalo ako ni Mama pagkauwi sa bahay. Grounded ako ng isang araw. Parang mamamatay ako. Walang tsismis eh.
Napapailing na lang ako sa karanasan kong iyon. Tama nga sila. Experience is the best teacher. Oo na. Walang konek.
Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang makasalubong ang aning-aning kong kaibigan na si Eileen. Bagong transfer lang siya rito sa school namin pero nakipagkaibigan na ako sa kanya. Siguro ay bored lang ako that time nang una ko siyang makita kaya nakipag-tsikahan ako sa kanya.
Nakakaloka ang babaeng ito nang napag-usapan namin ang tungkol kay Sisa at sa Ibong Adarna. Biglaang connect sa dalawang literature eh. At ang worst pa, ang pag-watermelon chant niya. Nako, nako. Hindi ako makapaniwala na sobrang talino ng gagang ito pero ni hindi alam kung papaano mag-chant.
Nakangisi niya akong tiningnan. I know what she's been into lately. Chasing the great Joshua Raymundo. Crush ko rin iyon eh. I just admire him for being humble in spite of him being famous and all. Pero other than that, hindi ko naisip na dyowa-in ang isang iyon. It's just that, may mga gwapong lalaki kasi na kina-crush lang. Kasi pag lumampas ka, magagalit sayo ang driver ng jeep. Sayang sa gasolina eh. Sisingilin ka pa ng konting barya. Nako!
"Canteen tayo please?" yaya niya at nagpapa-cute pa.
Pinaulanan ko siya ng irap. Akala mo naman sobrang ganda. Nako nako. Pero sige na nga. Dahil kaibigan ko siya ay sasamahan ko na lang. Tutal, wala namang gustong sumama sa akin dahil wala raw akong isang salita.
Like duh? May tsismosa bang kuntento lang sa isang salita? Papatayin ko itong kasama ko ngayon kung may ganong klaseng tsismosa!
Ilang minuto lang ang nilakad namin at nakarating naman kami sa canteen ng matiwasay. Pumila agad kami para umorder.
BINABASA MO ANG
I'm Bhon For You, Ginny
HumorHokage Girl Series presents... Ginny Rose Suarez and Bhon Emmanuel Raymundo