Kabanata 3

594 29 6
                                    

Hindi ko na siya naabutan sa labas ng mall.  Huminga ako ng malalim.  Gusto ko siyang tawagan pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya.  And he'll probably won't answer my call. 

Masyado na siyang aloof.  He's making walls to whoever wants to get close to him.  I couldn't believe living in US could change him like that. Or maybe, his part relationship made him what he is now.

Nag-para na lang ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Pagkarating ko roon ay nadatnan ko si Gino sa sala habang nakatutok sa laptop. He's now helping me sa business ng pamilya namin.  Siya na ang in-charge sa management ng mga resorts namin. Ayoko naman kasi ng ganitong trabaho.  Nakaka-stress. Wala lang akong nagawa nang sa akin muna pinasa ni Mama ang responsibilidad dahil nga nag-aaral pa si Gino that time.

Kaya ngayong dalawa na kami,  naging madali na ang trabaho ko. After all,  ito naman talaga ang hilig ni Gino. 

"Saan ka galing ate?" tanong niya nang makaupo ako sa couch. 

"Sa mall," wala sa loob kong sagot. 

He gave me an intriguing stare.  Pinagtaasan ko siya ng kilay. 

"What?"

"You've been to mall pero wala ka man lang binili? Anong ginawa mo roon? Nagpa-aircon lang? O naki-connect sa free WiFi roon?" nang-aasar na tanong niya. 

"Wala akong nagustuhang bilhin. Saka ba kapag pumunta ng mall dapat may bilhin ka?"

"Oo.  Dapat lang!"

"Sinong nagsabi?"

"Ako.  Kakasabi ko lang di ba?" sabi niya saka tumawa. 

Inis ko siyang binato ng unan.  Natatawa naman niyang hinarangan ito. Napatingin ako sa laptop niya.

"What's that?"

"Ah,  kasi mayroong medical conference na gaganapin sa Iloilo. At nagkataong malapit lang ito sa resort natin.  So I was thinking na imbitahan ang mga doctors and their team na sa resort na natin sila mag-stay. Most of them are famous doctors in their specialized fields kaya it's also good for our business," paliwanag niya.

Tumango-tango lang ako.  "Kailan iyan?"

"Next month."

"So paano natin sila makokontak niyan? Do you have the list of doctors na pupunta sa conference?" tanong ko habang nanliliit ang mga matang binabasa ang nakasulat sa news. 

"Connections ate!" kampante niyang sagot. 

Ginulo ko ang buhok niya.  Inis niya namang tinanggal ang kamay ko. 

"Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko ate, " saway niya.

"Eto naman.  Nilalambing ka lang!"  sabi ko at pabiro siyang inirapan. 

Tumayo ako para kunin ang remote ng TV na nakapatong sa isang shelf. 

"Maghanap ka na kasi ng boyfriend para may lambingin ka.  Hindi ako itong bini-baby mo."

Inis kong hinablot ang remote at diniinan ang pagkakapindot ng Power button.  Nanggigigil ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Wait."

Hindi ako nag-abalang lingunin si Gino.  Inabala ko na lang ang atensyon ko sa panonood.

"Kilala mo si Dr. Bhon Emmanuel Raymundo?"

Dinig ko ang pagtunog ng buto sa leeg ko dahil sa biglaan kong paglingon sa kanya. Now he got my attention! Naglakad ako palapit sa kanya.

"Oo.  Bakit mo naitanong? Ibig sabihin...isa siya sa delegates?"

I'm Bhon For You, GinnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon