Kabanata 1

451 34 3
                                    

Care

Napatingala ako sa langit. Nakamamanghang tingnan ang mga petals ng rosas na nahuhulog. Joshua really surprised me. Haba ng hair ni Purita.

"Do you think magagalit pa rin sa atin si Purita dahil parang pinakaisahan natin siya?" tanong sa akin ni Eileen.

Nilingon ko siya. Hindi rin maitago ang pagkamangha niya habang nakatingala.

"After ng bonggang surpresa na ito tatangga pa siya? Naku, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa babaeng iyon kapag ni-reject pa niya ulit si Joshua," sagot ko.

Nandito kami ngayon sa labas ng EGC. Hihintayin namin silang dalawang bumaba.

"Ubos pera ni Joshua nito sa pagpapalinis, " natatawang sabi ni Florentino sa likuran namin.

Kasama niya si Diane. Ngumiti ito sa amin.

"Don't underestimate Joshua's wealth. And besides, he's just got promoted. Vice President na siya ng EGC," sabi sa kanya ni Diane.

"Wow! Eh ang bata pa niya ah?" manghang bulalas ni Eileen.

"Oh well. What can you expect from Joshua the Great di ba? Kahit mga teachers natin noong high school pa lang tayo ay nagsasabing his intelligence can make him go into college with flying colors. Ayaw nga lang niyang magpa-accelerate," sabi ko.

Lumabas mula sa exit ng EGC sina Stanly, Idrian at Luke. Napangiti ako.

"Bakit ang daming gwapo rito?" natatawa kong tanong sa kanila.

"Kasama na ba ako riyan?" pabirong tanong ni Florentino.

Kitang-kita ko ang pagngiwi ni Eileen. "Hindi pa rin mawala sa isip ko na minsan sa ating buhay, naging bakla ka," naiiling nitong sambit.

Tumawa ng malakas si Diane. Namula naman ang mukha ni Florentino.

"At hindi rin mawala sa isip ko, na inakala mong gusto kita," sagot nito.

"Hey guys. Sorry I'm late!" humahangos na sabi ni Craig.

Galing pang Twin Bridge eh. Papalapit na rin sa amin ang tatlo. Kumaway pa sa amin ang pinsan kong si Idrian. Inismidan ko siya.

"Oh, nasaan si Bhon?" tanong ni Eileen sa kanila nang makalapit na ang mga ito sa amin.

"Pababa na siguro iyon," kibit-balikat na sagot ni Idrian.

Ilang sandali nga ay nakita kong lumabas siya. Nakapamulsa siya habang deretso ang tingin sa harap. Bumilis ang tibok ng aking puso.

Damn! I am still in love with him after so many damn years had passed.

Nagbatian sila roon at nag-usap-usap. Habang ako naman ay nanatili lang nakamasid sa bawat galaw niya. Pangiti-ngiti ito sa tuwing may nakakatawang pinag-uusapan.

Gusto kong sumali sa usapan pero hindi ko magawa. I am losing all my confidence whenever he's around. Walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. Walang nabawas. Pakiramdam ko ay dumagdag pa nga.

He looked so manly now yet he has still this charm and innocence when you're looking at his eyes.

"Ginny!" tawag sa akin ni Eileen kaya napalingon sa direksiyon ko si Bhon.

And in that moment, I feel like my world stops for a while. Katulad na katulad nang una naming pagkikita. Umangat ang gilid ng kanyang labi.

I don't what that gesture means. Is he smiling or just smirking at me?

Siya ang unang nagbawi ng tingin. I am so sensitive when it comes to him. Konting galaw, konting reaksiyon niya lang ay naaapektuhan agad ako.

Ipinilig ko ang aking ulo. I can't stay like this forever. I have to move for Pete's sake!

I'm Bhon For You, GinnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon