Sunod-sunod ang pagkurap ko habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Bhon. Tumawa si Luke at tumingin sa akin.
"He likes you," he said more of a statement than a question.
Napangiwi ako. "Eh siya nga dahilan bakit nagbibilang ako ng mga sasakyan kanina."
Muli siyang tumawa sa sinabi ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto."I don't know what really happened but I guess he likes you."
Gusto ko mang mag-isip ng gano'n pero pinigilan ko ang aking sarili. Bakit? Kung gusto niya ako, ba't gano'n ang trato niya sa akin kanina di ba? He could have been more compassionate when talking to me or kahit bilang kaibigan na rin.
Pumasok na lang ako sa passenger at nagsuot ng seatbelt. Pagkapasok ni Luke ay muli niyang pinaandar ang makina ng sasakyan at umalis na kami.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nasa kalagitnaan na kami ng highway.
Napaisip ako. Kahapon pa ako nagki-crave ng Korean food kaya naman sinabi ko sa kanya ang isang kilalang Korean restaurant dito sa syudad.
"Sana lahat ng babae katulad mo," nakangiti niyang sabi.
Napalingon ako sa kanya nang wala sa oras. "Bakit?"
"You know...halos karamihan sa mga babae kapag tinatanong kung saan kakain, isasagot nila 'ikaw bahala'. Pero kung dalhin mo naman sa isang kainan sasabihin na 'nakakaumay rito'," sagot niya at mahinang tumawa.
Napa-crossed arms ako at dineretso ang tingin sa harap. "Well, mahirap talaga hanapin ang babaeng tulad ko."
"No wonder you're friends with Ayissha."
Napangiti ako lalo na nang maalalang masaya na ang bestfriend ko ngayon. Finally, naging okay na rin sa kanila ang lahat ni Joshua.
"Pareho kayong independent and mataas ang self-confidence."
"Friends with the same feather flock together," pabiro kong sagot sa kanya.
Ilang sandali pa ay pinarada na niya ang sasakyan sa parking area na malapit lang sa Korean restaurant. Pababa na sana ako nang nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
Gentleman.
Sana all!
Pagkapasok namin sa loob ay nanlaki ang aking mga mata nang makitang nasa dulong table si Bhon at nakatingin sa menu. Napansin yata ni Luke na nandoon ang paningin ko kaya inakay niya ako papunta sa kabilang table.
Bakit siya nandito? May date ba siya? Napalabi ako sa isiping iyon. Kaya pala hindi niya ako ma-entertain dahil may nililigawan na siya.
Pagkaupo namin ay may lumapit na waiter at binigay sa amin ang menu. Saglit na nagpaalam sa akin si Luke nang may tumawag sa kanya. Naiwan akong nakatunganga sa menu.
Sino na naman kaya ang ka-date niya? Bakit ba kasi hindi na lang ako? Maganda naman ako ah. Saka sexy rin. Kaya ko naman maging model katulad ng ex niyang Fil-Am noon. Ano bang kulang sa akin?!
Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis. Binaba ko ang menu at deretsong tumama ang paningin ko kay Bhon na nasa kabilang dulo. Kunot ang noo nitong nakatingin lang sa menu.
Pasok na pasok talaga 'tong maging pambansang oppa sa Korea eh. Binaba nito ang menu at napatingin din sa direksiyon ko. Mas lalo lang kumunot ang noo nito habang ako naman ay nilabian siya.
Ilang sandali pa ay dumating na nga ang kanyang date. As expected, isa na namang hybrid ang babae. Hindi purong Pilipina. Mukhang may lahing Latina. Blonde ang buhok, matangkad, maganda at sexy.
BINABASA MO ANG
I'm Bhon For You, Ginny
HumorHokage Girl Series presents... Ginny Rose Suarez and Bhon Emmanuel Raymundo