CHAPTER 1: SCAPING

1.2K 34 0
                                    

AN: Para po sa mga naka-miss kay shaira at andrew alcantara :) This chapter is for you guys! Hope you'll like it 😊😊

SHAIRA POV

NALULUHANG tinitigan ko lang ang mga pagkaing nasa hapag na niluto ni andrew at Andrake, ang bunso ko. Palihim na lamang akong ngumiwi. Ano na naman bang ginawa kong pagkakamali kahapon at naisipan na naman ng dalawang 'to ang magluto. Paniguradong buong araw na naman kami nitong tatambay sa banyo.

"M-Mom, may taping ako ngayon. Hindi pwedeng sumama ang tiyan ko." Naluluhang bulong ni Andrea.

Lalo akong napangiwi. Tiningnan ko sila drew at drake na bakas na naman ang tuwa sa mukha. Para sa kanila perfect na ang sunog na itlog, maitim na hotdog at ang fried rice nila na para sa'kin ay lugaw na. Diyos ko! Ang hilig nilang magluto hindi naman marurunong.

"Goodmorning. Let's eat?" Malambing na aya ni Andrew  sa'kin. Inakbayan niya pa ako at inalalayan papunta sa aking upuan. Gusto kong maiyak. Amoy palang kasi ng luto nila nasusuka na ako. Bakit kasi hindi ako maagang nagising ngayon.

"Goodmorning mom." Bati ni drake nang makaupo na ako.

Tipid ko lang itong nginitian. Lumipad naman ang mga mata ko kay andrea na tulalang umupo na lamang sa tabi ni andrei na kanina pa tahimik na nagmamasid sa bunsong kapatid at ama. Napalunok ako at tumingin kay drew na umupo sa aking tabi. "M-May taping si drea ngayon. Doon n-nalang daw siya kakain." Mahina kong sabi.

Grabe naman kasi si  andrew, eh. Sa dami nang ipapamana sa bunso namin iyon pang hilig sa pagluluto hindi naman marunong! Huhuhu ang sakit talaga nilang dalawa sa sikmura.

"Eh, mommy sayang naman itong mga spesyal na niluto namin ni daddy." Tutol ni drake.

"Oo nga naman." Sang-ayon naman ni drew.

Napapikit nalang ako. "E, baka kasi ma-late na ang ate mo drake." Sabi ko pa.

Lalo naman itong napasimangot. "O-Oo nga naman bunso. Alam mo n-namang hectic na ang sched. Ko ngayon diba?" Sabat pa ni andrea atsaka napapalunok na tumingin sa'kin. "Next time nalang po ako kakain nang niluto niyo, dad." Sabi niya pa saka bumaling sa ama.

Bumuntong hininga naman ang dalawa atsaka sabay na nagkibit balikat. "Sige na nga." Sang ayon ni drake.

"Yes! Thank you bunso." Masayang aniya sabay tayo.

"Titirhan ka nalang namin, ate." Sagot nito.

"Kahit wag na bunso hehe..." sabi niya naman.

"Andrea, iyong mga sinabi ko sayong bawal mong gawin wag kalilimutan." Maawtoridad na sabi ni drew sa anak na babae nang magpaalam na ito.

Malapad namang ngumiti si andrea. Syempre, makakatakas sa impyernong luto ng ama at kapatid, eh. "Opo Dad! Alis na po ako." Anito atsaka dali daling tumakbo palabas.

"Hon, kain na." Napangiwi ako nang bumaling naman sa'kin ang atensiyon nila. Sumulyap ako kay andrei na malapit na atang maubos ang tubig sa baso niya. "Drei, kumain ka wag iyang puro tubig lang." Utos nito sa panganay na anak.

Napakamot ako nang batok. "Hon, mukhang maaga ata akong mamamatay nito." Sabi ko sa kaniya na narinig naman ng dalawa.

"Why mom?" Tanong ni drake. Si drei naman ay napapailing nalang.

"Baka ma-food poisone ako." Mahina kong bulong dahilan para di nila marinig.

Huhu ayoko talagang kumain! Bakit itong panganay ko hindi nagrereklamo? Bakit parang wala lang sa kaniya? Huhu anong klaseng sikmura ba meron ka drei? Pwede pa-share naman ako at nang malunok ko itong mga pinaghirapan KUNO ng ama at kapatid mo.

The Rising Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon