NANG DUMATING si ate valerie ay parang gumaan nang konti ang pakiramdam ko. Tulad kasi noon ay parati niyang pinaparamdam sa'kin na magiging maayos din ang lahat. At walang makakapanakit sa'min ni kuya.
"Hindi naman siguro magagalit 'tong mga robot mo kapag inagawan ko sila nang trabaho, 'no?" Pagbibiro niya nang hilain niya ako sa kusina para magluto nang lunch.
Napangiti ako. "Hindi naman, ate. Basta wag mo lang sinugin itong kusina ko." Biro ko pabalik.
Natawa ito. "Aba, kailan ba ako nan-sunog nang kusina?"
Natawa na lang rin ako. Baliktad kasi, eh. AKO parati ang nakaka-sunog nang kusina kapag ako ang nagluluto. Sa aming dalawa siya talaga ang may talent sa kusina. Sinubukan ko namang matuto kaya lang ay mukhang hindi talaga ito para sa'kin.
"Nga pala," Humarap ito sa'kin. "Bat di natin imbitahin sila tita shaira at tito andrew na dito na mag-dinner?" Tanong nito.
Nabura ang ngisi sa labi ko sa tanong niya. Nag-iwas ako nang tingin at napabuntong hininga. "Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko sila. Lalo na iyong andrei na 'yon." Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa'kin, Kahit hindi siya nag-tagumpay ay naiinis pa rin ako sa kaniya. "Atsaka, natatakot ako ate...paano kung isa sila sa gustong manakit sa amin ni kuya?"
"Monette...." huminga ito nang malalim atsaka lumapit sa'kin. "Kilala ko ang pamilya nila. And believe me, hindi sila masamang tao. You can trust them dahil sa oras nang kagipitan ay pwede mo silang takbuhan. They are my family and i want you to treat them like your family, too" seryoso niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko. "You can be friends with them, right?" Malambing na tanong niya.
Matagal akong hindi nakasagot. Kaya ko bang sumagal? Kaya ko bang ibigay sa pamilyang iyon ang trust ko? Paano kung masama din silang tao? Pero sabi naman ni ate ay kilala niya ang pamilyang iyo. Sa haba nang iniisip ko ay di ko na namalayang tumatango na pala ako.
Sumilay muli ang ngiti sa mga labi ni ate. "Good girl." Aniya atsaka hinaplos ang aking pisngi.
Huminga na lamang ako nang malalim. Nagtatalo man ang puso't isipan ko ay kailangan ko ring magtiwala kay ate. I can trust them. I can.
Matapos naming kumain nang tanghalian ni ate ay kaagad itong nag-punta sa mansiyon nang pamilya alcantara para ayain nga ang mga ito. Ako naman ay umakyat na sa aking kwarto para magbihis, mamimili kasi kami sa bayan ngayon. Kulang na kasi kami sa stock dito.
"Daisy, ikaw na ang bahala sa bahay habang wala kami." Sabi ko kay daisy.
"Yes miss." Tugon naman nito.
Tumango lang ako at tiningnan si ate na malawak na ang ngiti sa labi. "Tara na?" Masayang aniya.
Tumango lang ako. Nasa labas na nang gate ang kotse kaya doon na kami dumiretso. Paglabas ay nagtaka ako nang may mga tao sa loob nang kotse ko. Nilingon ko si ate. "Sasama daw sila, eh." Nangingiti nitong aniya.
Napailing nalang ako. Buti nalang at malaki-laki itong kotse ko at nagkasya kaming lahat. Wala bang mga kotse ang mga 'to?
Sumakay na ako sa driver seat at tahimik na pinaharurot ito pababa nang bayan. Ilang buwan na nga ba akong hindi nakakapunta doon? Kapag kasi namimili ako ay binibili ko na talaga lahat nang mga kailangan ko, ayoko kasing pabalik balik doon.
"Sa wakas makakakita rin ako nang ibang tao." Rinig kong sabi ni andrea sa likod.
"Shut up, andrea." Bored na sabi naman ni andrei sa kapatid. Yes, pati ang andrei alcantara na iyon ay kasama namin. Nasabi ko bang buong pamilya silang nasa kotse ko? Buti nalang at medyo malaki ito kaya nagkasya sila.
BINABASA MO ANG
The Rising Mafia Boss
Ficção AdolescenteMARRYING THE MAFIA BOSS SECOND GENERATION STORIES. A story of a rising mafia boss, ANDREI ALCANTARA. The son of andrew and shaira alcantara.