NAPANGISI AKO NANG halos malaman ko na ang buong pagkatao niya. Ang akala siguro nang Andrei the f*cking alcantara na iyon na isa lamang akong pipitsugin na madali niya lang mapaglalaruan. Pwes, nagkakamali siya. Ang lakas nang loob niyang subukang pasukin ang system ko.
"Download all of his information, K. Gusto kong pag-aralan ang andrei na 'yan." Utos ko rito.
"Yes, miss." Tugon nito.
Tumango ako. "Subukan mo ring alamin kung ano ang mga sikreto niya. May mga butas ang nakuha nating impormasyon, alam kong may itinatago ang lalaking iyon. At iyon ang gusto kong alamin mo."
"Yes, miss." Tugon nito muli.
"Good." Sabi ko.
Tumayo na ako at nag-inat. Napansin kong gabi na pala. Buong araw na pala akong nakaupo rito at pinag-aaralan ang Andrei na 'yon. Ngayon ay kailangan ko nalang malaman kung ano ang mga sikreto niya.
Nagtatakang hinarap ko si daisy nang biglang tumunog ang alarm nang bahay. Sino naman ang sumubok na pumasok sa bahay ko nang walang pahintulot? Napatiim bagang ako nang makita ko ang mga kapatid nang andrei na iyon sa monitor ni daisy. Inakyat pala nila ang gate ko. Tsk! Mga pasaway.
Bumuntong hininga ako. Lumabas ako at sinalubong sila nang matatalim kong mga mata. Hindi pa rin humihinto ang mga alarm kaya hindi na ako magtataka kung maya maya lang rin ay lumabas na ang mga magulang nang dalawang 'to.
"Sinong nagsabi sa inyong pwede niyong akyatin ang gate ko?!" Singhal ko sa kanila.
Napayuko lang sila at nanatiling tahimik. "Sagot." Maawtoridad kong sigaw dahilan para mapaigtad sila.
"P-Pasensiya na po...Gusto lang naman naming makipag-kaibigan sa'yo. Kaya lang ay hindi ka naman lumalabas nang bahay kaya naisipan nalang naming akyatin ang gate niyo." Paliwanag ni Dake. Nakilala ko ito ayon sa inpormasyon na nakuha ko kay andrei.
Nagtaas ako nang kilay. "Unang una, ayokong makipag kaibigan sa inyo. Pangalawa, hindi porket hindi ako lumalabas ay pwede na kayong mag-trespassing rito! Gusto niyo bang ipakulong ko kayo?!"
Mabilis namang nanlaki ang mga mata nito at sabay na umiling. "Pasensiya na ate. Hindi na mauulit." Kaagad na tugon ni andrea.
"Dapat lang." Malamig kong sabi.
Dinukot ko na mula sa bulsa ko ang maliit na remote atsaka ko ito pinindot dahilan para huminto na ang mga alarm. This is what i want....katahimikan.
"Umalis na kayo kung ayaw ninyong isumbong ko kayo sa mga magulang niyo." Pananakot ko sa kanila.
Kaagad naman silang tumakbo palabas nang gate ko na bumukas kanina paglabas ko. Nang makalabas naman ang dalawa ay muli itong nagsara. Sinundan ko na lamang nang tingin ang pasaway na magkapatid na 'yon. Tumalikod na ako at lihim na napangiti. Naalala ko ang samahan namin ni kuya sa dalawang iyon.
NANG MATAPOS na akong magbihis ay tumambay na muna ako sa terrace kasama si chuchu. Medyo natigilan nga lang ako nang makita ko ang buong pamilya ng andrei na iyon sa terrace at masayang nagku-kwentuhan habang kumakain nang breakfast.
Malamig ko lamang silang tiningnan nang ayain nila ako. Ayoko pa ring magtiwala sa kanila. Mahirap na. Sakto naman nong dumating si daisy at tumayo sa harap ko kaya naagaw na nito ang aking atensiyon. Muling bumukas ang tiyan nito at lumabas ang kaniyang monitor. Pinapakita nito ang balita ngayon. Ito na ang nagsisilbi kong dyaryo sa umaga.
"Wow!"
"Cool!"
Muling bumalik ang tingin ko sa pamilyang nasa terrace. Namamanghang nakatitig ang mga ito kay daisy. Hindi pa nakuntento sila andrea at andrake na talagang tumayo pa ang dalawang iyon para lang makita sa mas malapitan ang robot ko.
BINABASA MO ANG
The Rising Mafia Boss
Teen FictionMARRYING THE MAFIA BOSS SECOND GENERATION STORIES. A story of a rising mafia boss, ANDREI ALCANTARA. The son of andrew and shaira alcantara.