SHAIRA POV
(Pagbigyan muna natin si shaira haha 😂 malapit niyo na ring makilala si monette.)NAGTATAKANG TININGNAN ko lang si andrei nang sabihin nitong lilipat kami ng bahay sa Cebu. Biglaan itong plano niya kaya lahat kami ay nagulat. Maganda naman ang takbo nang buhay namin dito sa manila kaya bakit kailangan pa naming lumipat? At para saan?
"Kuya, may career ako rito hindi ako pwedeng umalis nalang basta basta." Reklamo ni Andrea. "Atsaka paano nalang ang pag-aaral ni Andrake?" Dagdag niya pa.
Napabuntong hininga ako at tiningnan si Andrei. "Tama ang kapatid mo drei. Atsaka ano ba ang dahilan mo para lumipat pa tayo. Maayos naman ang buhay natin dito, eh." Sabi ko sa kaniya.
Nakikiusap ang mga matang binalingan niya ako nang tingin. "Mom, gusto ko lang subukang tirhan natin ng sama sama ang bahay na binili ko sa Cebu." Isa isa niyang tiningnan ang mga kapatid at ama. "Kahit limang buwan lang. Sige na please?" Pakiusap niya pa.
"Paano ang school ko, kuya?" Tanong ni Drake.
"Ako na ang bahala doon." Aniya. "Pagbigyan niyo lang ako, please?"
Hindi na kumibo ang mga kapatid niya. Huminga ako nang malalim at bumaling kay andrew na kanina pa tahimik sa tabi ko. "Ano sa tingin mo, hon?" Tanong ko sa kaniya.
Tiningnan niya ako atsaka nagkibit balikat. "Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan natin si andrei. Tutal matagal na rin tayong di nakakapag-bakasyon. Bakit hindi natin subukan hon?" Sabi niya.
Tiningnan ko naman ang mga anak ko. Gusto ko rin naman, eh. Kaya lang paano ang buhay namin dito? Ang career ni andrea at ang pag-aaral ni Andrake? Paano 'yon? "O'come on guys! Limang buwan lang naman tayo dun, eh. Atsaka ayaw niyo bang magbakasyon?" Sabat ni andrei.
Ngumuso si andrea. Si drake naman ay nagkibit balikat nalang. "Okay." Sabi ko dahilan para bumaling sila sa'kin. "Just five months Andrei." Seryoso kong sabi sa kaniya.
Wala akong narinig na reklamo sa dalawa kaya nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin lang non ay okay lang sa kanila.
"Basta kuya ikaw ang bahala sa'min ni ate, huh?" Sabi ni drake.
Ngumisi lang si drei. "Don't worry about that. Just trust me." Ngisi niya.
Nagkatinginan nalang kami ni andrew at nagkangitian. Ang mga anak ko talaga. Hindi mahirap pilitin.
"Andrea, is it okay to you?" Tanong ni andrei sa kapatid.
Nakangusong tumango lang ito. "Basta ba kakausapin mo ang manager ko. Buti nalang wala pa akong kontratang pinirmahan." Anito.
"Good girl."
DI MAKAPANIWALANG napatitig ako sa bahay na sinasabi ni andrei. Maganda naman at sobrang laki pero langya! Di ako nainform na malayo pala ito sa kabihasnan at tanging isang bahay lang na hindi ko alam kung may nakatira ba ang kapitbahay namin. Ano ba itong nabiling bahay ni amdrei?
"Kuya! Ang creepy naman dito. Bakit dito ka pa nagpatayo ng bahay." Reklamo ni andrea.
"It's quiet here, thats why..." sagot lang ni andrei sa kapatid.
"May tao ba sa bahay na iyon kuya?" Tanong ni drake habang nakatanaw sa bahay sa harapan lang ng bahay ni drei.
"I guess so...pasok na tayo." Aniya.
Kaniya kaniya na naming binuhat papasok sa bahay ang mga dala namin. Wala kaming sinamang katulong o bodyguards dahil ayaw ni andrei.
"Ang ganda ng mga furnitures mo Andrei." Puri ni andrew sa mga gamit ng anak. Maski ako ay nagagandahan rin.
BINABASA MO ANG
The Rising Mafia Boss
Подростковая литератураMARRYING THE MAFIA BOSS SECOND GENERATION STORIES. A story of a rising mafia boss, ANDREI ALCANTARA. The son of andrew and shaira alcantara.