CHAPTER THREE: MONETTE

830 17 1
                                    

MULA NANG dalhin ako rito ni kuya sa tagong bahay na pagmamay-ari niya ay hirap na akong mag-tiwala sa ibang tao. Ayoko sa pakiramdam na may pinaghihinalaan ako kaya mas pinipili ko na lamang ang mag-isa. Hindi naman ako naiinip dahil marami akong pinagkakaabalahan.

Ang bahay na 'to ay hindi ganon kalaki. Hanggang second floor lang ito at may apat na kwarto. Hindi mataas ang gate kaya kitang kita ang garahe na tanging isang kotse lamang ang naka-park. Isang simpleng tahanan para sa nag-iisang kapatid ni KENNETH SALCEDO na kailangan niyang itago para protektahan. Dito ako dinala ni kuya dahil wala pang nakakaalam sa property na ito.

"Miss, dumating na po ang pamilyang may-ari at titira sa kakagawang mansiyon sa harap." Sabi ni Daisy. Ang isa sa mga robot na imbensiyon ko. Ito ang may access sa security ng bahay at mga cctv camera.

Nginitian ko ito. "Let me see them." Sabi ko.

Kaagad namang bumukas ang tiyan nito at mula roon ay lumabas ang isang t.v na parang tablet lang rin ang laki. Napaayos ako nang upo nang makita kong may isang sasakyan ang pumasok sa gate ng mansiyon sa harap namin. Mukhang totoo ang sinabi ni kuya na pamilya ang titira roon.

"Pahigpitin lalo ang security nang bahay daisy. Wag mong pahintulutan na may pumasok rito na hindi ko binibigyan ng permiso." Utos ko sa kaniya.

"Opo." Sagot nito.

Binalik na nito ang tiyan sa dati atsaka na lumayo sa'kin. Isa si daisy sa mga robot ko na gusto kong bigyan ng balat tulad ng sa tao at palitan nang paa ang kaniyang dalawang gulong. Ngunit, hindi ko pa iyon magawa ngayon dahil naghahanap pa ako ng magandang materyales na gagamitin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa atsaka ako dumiretso sa kusina. Doon ay naabutan ko sila W at X, ang mga robot na pinrogram ko para sa pagluluto. Nang masigurado kong ayos naman sila ay pumasok na ako sa dining, doon ko naman naabutan si Y at Z na pinrogram ko para sa paglilinis at pag aayos ng hapag.

Napangiti ako nang masiguradong ayos naman ang lahat. Mas may tiwala talaga ako sa mga  robot ko kesa sa tao. Ang mga robot ko kasi ay ginagawa lamang kung ano ang pinrogram ko sa kanila at siguradong na  sa'kin ang loyalty nila. Hindi katulad nang sa mga tao na wala kang kasiguraduhan kung tapat ba sa'yo o hindi.

Naglakad ako palapit kay K na naka-program naman bilang kumpyuter, tagabigay ng informasyon at nag-rereport sa'kin kung may mga tao bang nagtangkang alamin ang profile ko. Hindi ako basta bastang nakakapante kahit sabihin pa ni kuya na hinold niya ang mga impormasyon tungkol sa'kin.

"Kamusta ang trabaho mo?" Tanong ko rito.

"Clear." Sagot niya.

Tumango ako at napangisi. "Good." Tinalikuran ko na ito at nilapitan naman si B, ang naka-program para batiin ang sino mang pumasok rito at siguraduhing wala itong dalang kahit anong bagay na makakapanakit sa'kin. Isang utos ko lang rito ay kaya nitong pumatay nang tao.

"You did a great job, also B." Sabi ko rito.

Sumulyap ako sa aking wrist watch. Hapon na pala. Lulubog na naman ang araw, senyales na kailangan ko nang maghanda sa darating na bukas.

"Daisy." Tawag ko rito.

Kaagad naman itong lumapit sa'kin at huminto sa harap ko. "Lock all the doors. Especially, the gate. Focus on the Cctv and security. Kapag may mga nakita kang kalaban kill them." sabi ko rito.

"Masusunod." Simpleng sagot nito.

Tumango ako. "Sige na." Sabi ko rito para simulan na niya ang inuutos mo.

Muli akong naglakad pabalik sa dining area at umupo sa upuan ko. Agad namang inayos nila Y at Z sa hapag ang mga pagkain, atsaka sila bahagyang lumayo sa hapag at puwesto sa magkabilang gilid ko at nag-aantay sa aking iuutos.

The Rising Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon