I woke up by the sunshine's rays. I feel warmth as it radiates through my skin.
Natapatingin ako sa labas ng bintana sa aking kwarto. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya lumapit ako sa bintana.
Sobrang napakaaliwalas ng paligid. Nakadagdag pa dito ang magandang tanawin sa lugar. Tanaw na tanaw hanggang dito ang maliit na bayan sa ibaba, ang mga ibon na lumilipad, ang simoy ng hangin, ang tahimik at payapa.
Tsk. Napapaemote tuloy ako ng wala sa oras.
Bumalik na ako sa kama at humiga ulit at inisip ang lahat ng mga nangyari noong nagdaang mga araw.
Hindi ko lubos maisip na ang nababasa ko pala sa mga story books ay totoo dito sa mundong ito. Na may kapangyarihan talagang nag-eexist. At may kapangyarihan akong napakamakapangyarihan at kung mapasakamay ito sa mga masasama ay end of the world na sa mundong ito pati na ang mundong kinalakihan ko.
Sinabi na sa akin ni Auntie Lory ang mga ito kahapon pa pero ang hirap i-sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.
May nasabi rin siyang dapat akong mag-ensayo para makontrol ko ng maayos ang kapangyarihan ko na hanggang sa ngayon ay wala akong kaideya-ideya kung ano ba.
Tinanong ko siya kung may ideya ba siya kung anong kapangyarihan ba ang meron ako pero ang tanging sinabi niya lang ay "Malalaman at malalaman mo rin bukas."
Hay. Ano ba tong gulong napasukan ko?
Nagambala ang aking pag-iisip nang may kumatok sa pinto at pinagbuksan ko naman ito.
Pumasok ang aking butihing Tita at ang aking demonyitang pinsan sa kwarto ko.
"Good morning Astria. Nakatulog ka ba ng maayos?" Pagbati ni Auntie Lory na may kasamang ngiti. I remained silent.
Yun nga ang problema, wala akong tulog sa kakaisip sa mga hindi kapani-paniwala na nangyayari sa akin.
Ang sarap sabihin kay Auntie Lory na wala akong tulog! But I just kept in inside my head at doon nagsisigaw-sigaw.
"I can see that you haven't." Steph smirked. "Is it that hard to sink in all the truth my dear cousin?" I glared at her.
Malamang!
Kitang-kita naman siguro sa eyebags ko na wala akong tulog.
I turn my back on her at dire-diretsong pumunta sa kama. Bahala siya diyan. Ang gusto ko lang gawin ngayong araw ay matulog ng matulog.
Nagulat na lamang ako ng akmang hahablutin ko na yung kumot ay nagliyab ito. "Ahh!"
Dali-dali naman akong kumuha ng anumang damit ang makita ko para maapula ang sunog dahil nasusunog na rin ang buong kama.
May narinig akong malakas na pagtawa sa likod at narealize ko na kung sino ang may kagagawan nito.
Bakit ko nga ba nakalimutan na apoy ang kanyang kapangyarihan.
Stupid me.
I faced her at kitang-kita ko ang kanyang paghawak sa tiyan niya habang walang tigil siya sa pagtawa.
I walked at her and I hold my breath until it reach to the top of my lungs and ready to shout at her pero tumikhim ng malakas si Auntie Lory at napabaling ang aming atensyon sa kanya.
"What a good day for the both of you to start fighting early this morning huh?"
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa na ngayo'y nakayuko na. Mahirap na baka magalit pa siya lalo.
BINABASA MO ANG
Strings Of Valor
Fantasía"We're the product of mistake. And now we are going to be killed. For the great danger we are for the world." Story Type: Fantasy Date Started: April 17 , 2016 Date Finished: --/--/----