Chapter 1
Nandito kami ngayon ni Tristan McKnight, ka-love team ko, sa show ni Tito Boy na "Buzz ng Bayan" para sa isang interview.
Well, wala naman akong magagawa kahit gusto kong matulog magdamag hindi ko pwedeng gawin, kailangan naming i-promote ang bago naming album ni Tristan.
Kung hindi niyo pa alam, on-cam boyfriend ko si Tristan. Yeah, on-cam lang. LANG! Strategy kasi yun ng manager namin para mas dumami ang fans namin para na rin hindi na siya mahirapan sa paghandle sa'ming dalawa at syempre, mas maraming projects, mas masaya!
Pero, hindi ako masaya.
"Miss Jasmine and Sir Tristan, ready na po kayo in 2 minutes." paalala sa amin nung staff ng show.
Kasama ko si Tristan sa dito sa loob ng dressing room ko, pero parang wala naman akong kasama.
"Alam mo na ba kung ano'ng sasabihin mo mamaya?" tanong ng kasama ko. Wait! Kasama ko. As in si Tristan? OMG, totoo ba 'to?
Kinakausap lang kasi niya ako kapag may ibang tao except kapag andyan ang manager namin at kaibigan.
"H-Ha?" nauutal ako. Sino ba namang hinde? Ngayon lang kaya siya nag open ng conservation sa amin.
Pero, kapag nasa harap na kami ng camera, kinakausap na niya ako. Kaya nga kapag on-cam sinusulit ko talaga bawat segundo ng conversation namin. Kahit na isipin niyang feeling close ako o assuming, ok lang. At least, kinausap niya ako.
"Kapag tinanong tayo kung tayo pa ba, ang sasabihin ko "yes" at susundan mo ng "we're getting stronger" then. . .
Biglang bumukas yung pinto.
"Ready na po." paalala ulit nung walang respeto sa salitang "privacy" na staff.
Ayan na!
Hindi ako kinakabahan no!
Nate-tense lang ako!
Nate-tense ako sa pagsagot namin mamaya kay Tito Boy. Grabe! Kikiligin na naman ako!
Siya kaya?
"Para po sa isang exclusive interview. Ang pinakasikat, ang pinaka nakakakilig at ang pinakasweet na love team ng bansa! Please welcome, Jasmine Kirby and Tristan McKnight!" Intro sa amin ni Tito Boy tapos nagpalakpakan yung mga audience.
" WE LOVE YOU TRISMINE!"
(Scanner's Note : TrisMine pronounced as " tris-min " combination of Tristan and Jasmine)
Andito rin ang fans club naming TrisMine !
"whooohooo, Jasmine!"
Andyan din ang mga babies ko sa Jasminatics at ang JustMine.
(S.N. : JustMine, pronounced as " juzt-mayn " solo fan club of Jasmine)
Ang Jasminatics ay fans club ko for girl fans. At ang JustMine naman ay for boy fans. At mahal na mahal ko sila.
"WE LOVE YOU PAPA TRISTAN!"
"PAPA TRISTAN, PAKISS!"
Yung mga sumisigaw ay ang mga fans ni Tristan. Ang Tristers. Fan ko rin naman sila kaso kapag magka-partner lang kami ni Tristan.
Noon nga lagi kaming magkalaban ni Tristan sa awards lalo na sa " Best Soundtrack " at "Hit Singles."
Iisa lang naman ang manager namin kaya naisipan niyang pagteam upin kami. Kaya ngayon duet na lagi kami.
Tapos, dinagdagan pa ng isyu ng manager namin na nililigawan DAW ako ni Tristan, hanggang sa naging kami.
Dumami pa lalo ang fans namin at marami na rin kaming movie offers. Mamaya ko na itutuloy ang pagkwento, andito kasi kami sa show eh.
BINABASA MO ANG
She's an Angelic Devil
Short StoryJamine Kerby is a well-known actresss of today's generation. She has an on-cam boyfriend ,Tristan McKnight, pero hindi naman talaga niya ito mahal, strategy ito ng manager niya para mas lalo pa siyang sumikat at magkaroon ng maraming projects in the...