Chapter 4

20 0 0
                                    

Chapter 4

December 2, 2013

Along the road, Makati

Zeth's POV

Everyone's tired after a head banging and mind blowing performance at the launching of our third album this year. As expected, successful ang pagtanggap ng press dito kaya ine-expect na namin ang magagandang reviews from the writers we've invited.

After the presscon, all we wanted to do is to sleep as soon as possible. Manager Dana was also half asleep. So I just put on my headset and feel the music. When suddendly...

*BEEP! BEEP!*

"Bakit Mang Erny?" tanong ni manager sa driver namin na halatang gulat na gulat sa pangyayari.

"Ayaw po kasing huminto nung babae sa paglalakad! Baka mabangga siya! Mahirap namang magpreno dahil madulas ang kalsada!" natatarantang sagot ni Mang Erny kay manager. Kahit malakas ang ulan, naaaninag ko rin ang babaeng sinasabi niya. Malayo pa ang kinaroroonan niya pero naaaninsg na siya ng headlights. Magpapakamatay ba siya?

"Maam Dana, Sir Zeth, kumapit po kayo." bilin ni Mang Erny.

*SCREEEEEECH*

Biglang pumreno si Mang Erny, Hindi kaagad ako nakahawak kaya muntik na tuloy akong masubsub. Yung ibang mga kasama ko naman biglang nagising dahil muntik na silang tumalsik sa upuan nila at natulala...tinamaan pa yata ng psychogenic shock kaya hindi pa makarecover ang utak hanggang ngayon.

"Mang Erny, i-unlock mo ang pinto. Manager, bababa lang muna ako. Kailangan ko lang siyang i-check." paalam ko kay manager.

"Pero Zeth, ang lakas ng ulan!" nag-aalalang sabi ni Manager Dana. Pero I need to know if the girl's alright. Baka nabangga siya.

"Sir Zeth, ako na lang po!" sabi ni Mang Erny. Pero hindi ko na siya sinagot. Lumabas ako ng pinto. Pumunta ako sa harap ng van para makita ko kung okay lang yung babaeng nakita ko. At paglapit ko,

There she is!

Wait! Bakit siya nakahiga? Nabangga kaya siya?

"Miss, are you okay?" tanong ko. Tinitingnan niyang maigi yung mukha ko. Hindi niya siguro ako makita ng maayos dahil sa lakas ng ulan at napupuno na ng tubig ang mga mata niya. Chineck ko kung may dugo, wala naman, kaya hindi naman siguro siya nasagasaan. Pero, wala na siyang malay at inaapoy na siya sa lagnat! Ano'ng gagawin ko?

Lumapit sa akin si Manager Dana na may kapit na dalawang payong. Ang isa ay gamit niya at ang isa'y para payungan kami . "Ano'ng nangyari Zeth? Is she alright?" magkasunod na tanong ni manager sakin.

"She's fine. Nahimatay lang siya." sagot ko kay manager. Binuhat ko na yung babae. Binuksan naman ni Mang Erny yung door at pumasok na ako. Pumasok na rin si manager.

Si Adrian na kaisa-isang nurse sa banda ang nagbigay dun sa babae ng first aid. Hinawakan lang niya yung babae sa noo. Ayon sa kanya, nasa 39 degrees daw ang lagnat nung babae dahil sa ulan. Nahimatay daw yung babae dahil sa gutom at pagod.

Pinagpatong-patong namin yung mga extrang damit namin para maging kumot niya. Nanginginig kasi siya sa lamig. Sabi naman ni Adrian, natural lang yun sa nilalagnat at dahil na rin sa malamig na klima.

Nag-suggest naman si Manager na pupunasan niya yung babae kaya nagpalit sila ni Shan ng pwesto. Si Shan Rodriguez nga pala ang rhythm guitarist ng banda.

And also the creepiest.

Dahil basang basa yung girl, sobrang gulo ng buhok niya. Hindi nga namin makita yung mukha. Well, habang pinupunasan ni manager yung babae, biglang nagsalita si Yacob.

She's an Angelic DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon