Chapter 8

25 0 0
                                    

Chapter Eight

Nakakainis si Tristan. Who does he think he is?

Sino naman kaya ang may-ari ng lipstick na yun? Iisipin ko pa lang na may ibang hahalik sa kanya, kumikirot na kaagad ang dibdib ko.

Pero kahit hindi ko na pakinggan pa ang paliwanag niya, iisa pa rin ang conclusion na kahahantungan nun. Hindi ako ang gusto niya.

Hinding-hindi magiging ako.

December 8,2013

Calapan City, Oriental Mindoro

10:42 AM

Mainit pero malamig ang simoy ng hangin. Haaay! Ang sarap ng hangin dito sa Calapan. Nasa isang school kami na naging location ng last scenes ng pelikula naming, "First Love".

Buti na lang dito ang location ng taping namin. Nakakarelax at the same time nakakainis. Pano ba naman, nandito na naman si Danica the great. Wala ng ibang inatupag kundi ang landiin at magpapansin kay Tristan.

Wala namang masyadong nakakakita dahil lahat ay busy sa kanya-kanyang gawain. Hindi man lang nila masasaksihan ang kalandian ng kapatid ko.

Busy si Manager sa sunod-sunod na pagtawag sa kanyang business phone. Natataranta na siya na ewan. Pero, I trust her. I know she's the best manager I could ever had.

Si Ate Dana naman, busy sa pag-aayos ng mga susuotin kong outfit ayon na rin sa instructions na binigay ni Albie sa scene na ite-tape.

Si Albie naman, kaharap ko ngayon at patuloy ang pagre-retouch sa akin sa tent ko.

Mukhang makakapag-relax ako dito ah. Well, except for one reason. Si Tristan ang kasalukuyang nakasalang ngayon sa camera. Ang heavy ng scene na yun, ginaganapan niya kasi yung character na naguguluhan sa mga gagawin niyang desisyon. Makikita mo ang awa sa pag-luha niya sa last level ng hagdan.

"And that's cut!" sigaw ni Direct Amon. Lumapit siya kay Tristan at tinapik ang balikat nito. "You've done a great job, Tristan."

"Thanks, direct." sabi ni Tristan at bumalik sa sarili niyang tent kung saan nag-iintay ang haliparot na Danica. Nagulat nalang kaming lahat ng biglang sumigaw si Direct Amon sa galit, kaharap yung Assistant Director na si Shane Dela Cruz.

"Anong wala pa siya?" namumula sa galit na sigaw ni Direct. "Tawagan mo ang manager niya at kakalbuhin ko sila pareho kapag hindi natapos ang movie na'to!" At mariing tinignan ni Direct si Shane.

Mukhang takot na takot na yung assistant at agad na nagpipindot sa cellphone. Makalipas ang ilang sandali, "Direct, nagback out na daw po si Ms. Bea Alonzo." baling ni Shane kay Direct.

"What?! Eh sino na lang ang papalit sa kanya ora-orada?!" sigaw ni Direct. Tumingin nalang ako sa salamin upang i-practice ang mga lines ko mamaya. Hindi naman sa wala akong pakialam pero trabaho nila yun at alam kong kaya na nilang solusyonan yon.

"You. Yes, you." rinig kong sabi pa ni Direct. "Marunong ka naman sigurong mag-acting?" tanong pa niya. "Ikaw na ang papalit kay Bea. Practisin mo ng maige yung mga lines sa last scene. Okay?"

"Yes, Direct." sabi ng kausap niya.

Teka, that voice sounds familiar. Tiningnan ko kung sino ang kausap niya and what the hell. Si Danica pala ang kausap niya! And what?!

Siya ang papalit kay Bea Alonzo?

1:37 PM

Pagkatapos ng lunch break sasabak na kaming lahat sa last scenes ng movie. This is actually the climax of the movie. Kaya kailangan ko ng ibayong paghahanda para sa mabibigat na eksena namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's an Angelic DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon