Chapter 6

25 1 0
                                    

Chapter 6

December 3, 2013

The Chronicles' Headquarter

Global City Residences, Makati

Pagkatapos maluto ng niluluto ni Ate Dana na sinigang, kumain na kami ng sabay sabay. Nakakatuwa nga kasi ang gugulo nila kapag kumakain. Parang mga bata. Pero kahit less than 24 hours palang kaming nagkita, nakaktuwa na madali ko silang nakilala. New circle of friends?

For me kasi, si Albie, Ate Dinky at mga fans ko lang ang matuturin kong friends. Si Manager Jackie naman ang tinuturin kong nanay at ate na rin. Sila lang ang nakakunawa sa akin pero ngayon mas dumami pa sila. I have these five handsome different guys and also Ate Dana.

Si Yacob ang keyboardist. Ayun, hindi ko akalaing totoo pala yung kinukwento nila na matakaw siya. Akala ko joke lang nila yun. Pero infairness, hindi halata. Slim kasi ang body built ni Yacob kaya hindi mo aakalaing more than 10 times siyang kumain araw-araw. I even tried to ask him why does he eat more often than usual pero ang sagot lang niya "Energizer."

Si Zeth o Zeth Sivan ang vocalist at lead guitarist. Gaya nga ng sinabi niya, siya yung tipo ng tao na masungit sa mga taong bago niyang kakilala. Nakwento din sa akin ni Ate Dana yung tungkol sa family niya. Tinakwil na siya ng family niya dahil mas gusto niya'ng kumanta kesa patakbuhin ang business nila. Pero, sa nakikita ko, hindi naman siya nagsisisi sa naging desisyon niya.

Si Adrian naman ay anak ng mga Summers. According to my brain, ang family nila ang nagmamay-ari ng pinakasikat na five star hotel sa Pilipinas--ang The S--at marami pang hotel.

Siya ang drummer ng banda. Hindi na kinwento ni Ate Dana yung lahat tungkol sa kanya dahil masyado kasing seryoso si Adrian. Ayaw niya yung pinipilit siya o di kaya pinapakelaman yung sa kanya. 'Mind your own business' sabi nga ni Ate Dana.

Pero sa lahat ng members, siya ang pinaka-matured. Hinihingi muna nila ang permission ni Adrian bago kausapin ang isang tao. According to them, magaling kumilatis ng tao si Adrian. He knows whether one is trustable or not.

Nakilala ko rin ang isa pa nilang band member. Si Loise. Ang sweet at gentleman na bassist ng band nila. Nakwento niya sa'kin na ultimate fan ko daw ang girlfriend niya, si Serene. Siya lang ang nag-iisang may girlfriend sa kanila. Bawal kasi yun sa entertainment company na huma-handle sa kanila. Pero pinaglaban niya pa rin si Serene. Buti pa yung fan ko happy, yung idol hindi. Tsk tsk, bakit ba siya na naman ang iniisip ko? Ako ba inisip niya kahit one millisecond?

Pero, I can't wait to meet her. I'm sure magkakasundo kami!

After naming kumain, si Shan ang inassign ni Ate Dana para maghugas.

"Shan, dahil lagi ka nalang tulala diyan, ikaw ang maghuhugas ng mga plato okay?" utos sa kanya ni Ate Dana.

"Eh manager, wala pong kasama sila Shabby sa kwarto." he answered in a weird voice. Or should I say creepy. Mala-zombie kumbaga.

"Ah! Ewan ko sa'yo! Basta maghugas ka dito." sabi ni manager. "At ikaw Zeth." baling naman niya kay Zeth. "Punasan mo tong lamesa para may pakinabang ka naman. Lagi ka nalang nakaupo diyan sa sofa." utos niya. Napakamot naman sa ulo si Zeth.

Kawawa naman pala sila. Akala ko spoiled brats sila, yun pala sobrang terror ni Ate Dana. Pumunta naman si Ate Dana sa kwarto niya sa second floor ng bahay. Nandun kasi yung kwarto niya malapit sa music room. Gusto daw niya kasi na mabantayan kung nagpra-practice ba talaga ang banda at hindi tumatakas.

Naalala ko tuloy si Manager Jackie. Lagi niya kasi kaming pinapagalitan ni Tristan kapag tinatamad kaming mag-practice. Wait! Speaking of the baklang devil, dapat ko nga palang tawagan si Albie para sabihin kay Manager Jackie kung nasan ako. I'm so sure na nag-aalala na rin si Ate Dinky. Naiwan ko pa naman yung bag ko sa Hydrogen Bar sa sobrang madali. Tsk, naalala ko na naman.

She's an Angelic DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon