QUEN'S POV
Hindi ko alam kung bakit ko pinasakay sa sasakyan ko ang Mara na yun.Biruin niyo yun? sabihan ba naman ako na "Ambisyoso"
at siya pa talaga ang may gana na magsabi sakin nun ha?.
Tsk... tawa na lang ako...
Pero hindi talaga nakakatawa... :p
Mas nakakatawa ang itsura niya...
Ok. alam kong hindi kayo nakakarelate sa sinasabi ko kase hindi niyo pa siya nakikita...
Idedescribe ko na lang siya...
Siya yung babaeng naka telephone curl ang buhok at maitim,
yung outfit niya damit pa rin naman pero naiiba sa mga suot ng ibang babae.
Paano naman kase,ang init ng panahon tapos siya naka-long sleeves na kulay berde,makapal ang kanyang mukha este ang kanyang kilay.
Bukod doon meron pa akong napapansin sa kanya...
Yung GRAMMAR niya,at pag-iintindi niya ng English...Sigurado ba ang Dean na nakapasa ito sa Exam at Interview???
Tapos napapansin ko rin,ang weird ng mga kilos niya...
Tulad nung kanina...hinahanap niya raw ang hikaw niya na nawawala pero nakita ko kaninang umaga wala naman siyang suot na hikaw.
Napapan----
Ano ba! bakit ba ang dami kong napapansin sa babaeng yun? eh hindi ko naman yun kaano-ano...
Imposible naman na relatives kami,eh sa itsura niya pa lang ang layo na.
KINABUKASAN-_-_-_-_-_-_-_
♩♪♩"Heto ako-o-oooo
basang-basa sa ula-a-a-an
(kanta ng isang diyosa na nasa loob ng banyo habang binubuhos sa kaniyang katawan ang tabo na may lamang tubig)
Walang masisilungan,
walang malalapitan...
Sana may luha pa,akong mailuluha
At nang mabawasan ang aking kalungkuta-a-an...
Ang aking kalungkutan...
Ang aking kalungkutan.♬♪♩
"Hoy Maraya! papasok ka ba sa eskwela o magcoconcert ka na lang diyan???..ang ingay mo!!!'.sigaw ni Aleng Martha habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Mara ( siya ang may-ari ng apartment na tinutuluyan ni Mara)
"Aleng Martha,Mara po ang pangalan ko...pero kung gusto niyo Maraya talaga ok lang...
parang Marriah Carey na rin eh..hehe..'.sagot ni Mara mula sa loob ng banyo
"Aba! ang taas din ng pangarap mo ahh. Maraya Carey? eh hindi mo pa nga binabayaran ang advance rent mo dito..!'.sabi ni Aleng Martha
"Huwag po kayong mag-alala Aleng Martha, maghahanap po ako ng ibang sideline para mabayaran kayo'.sagot ni Mara nang makalabas siya ng banyo at hinarap si Aleng Martha
"Aba'y dapat lang!'.sabi ni Aleng Martha at umalis sa harap ni Mara
@ MARQUEN UNIVERSITY
![](https://img.wattpad.com/cover/12845676-288-k880269.jpg)
BINABASA MO ANG
"ANG SIKRETO NI MARA JULIA LIGAYA" [JULQUEN FANFIC]
FanfictionThis is a JulQuen (Julia Montes and Enrique Gil) RomCom [Romance/Comedy] story. Expect the unexpected Mara Julia Ligaya Monterez and Quen Enrico Gilarde.