Epilogue

2 0 0
                                    

[Len Point Of View]
One month na at hindi padin nagigising si rin. Umiiyak na nga ako tuwing gabi sa pagaalala, sa takot, at sa pagiwan niya samin ulet. Hindi ko kakayanin.

"Bro kumain na tayo at anong oras na oh, sabi ni manang dika pa daw kumakain." Sabi ni Ivan pagkapasok niya

"Wala akong gana kumain." Sagot ko

"Hay nako, rin pagalitan mo nga toh ayaw kumain oh. Papatayin ata ang sarili niya." Sumbong ni Ivan na parang bata, napailing iling na lang ako.
"Hoy dikapa pede mamatay aba buntisin mo muna si angela ng maging tito na ako sayang naman ang genes natin." Sabi ni Ivan kaya binato ko siya ng unan at natatawa lang siya

"Tantananan mo nga ako Ivan." Sabi ko
"At wag kang maingay" mariin kong sabi sakanya

"Rin inaaway ako ni fafa len oh , awayin mo nga pagnagising kana." Sumbong ni Ivan kaya binato ko siya ng unan
"Aray! Sumosobra kana hah baka masugatan mo yung gwapo kong mukha." Sabi ni Ivan maya maya pumasok si mikasa

Dahil nadin sa one month kaya nakaclose namin siya pati ang manliligaw niya na si domenic kahit si Ivan kaclose niya na din mabait naman kasi siya eh. Gago nga si Ivan eh liligawan niya daw kaso mukhang may gusto nadin si mikasa kay domenic kaya wag na daw baka ang kalabasan niya ay kontrabida. Tsk for sure naman kasi paglalaruan niya lang si mikasa no offense pero playboy talaga yang kupal na yan.

"Dinalan na kita ng pagkain len." Sabi ni mikasa at inabot sakin ang plato

"Salamat buti kapa concern di tulad ng iba dyan." Pagpaparinig ko kay Ivan

"Hoy niyayaya kaya kita kumain ikaw lang ang may ayaw." Depensa niya kaya tumawa naman si mikasa kasi para nanaman daw bata si Ivan maya maya lumabas na si Ivan hay buti naman.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at pumasok sina dad,mom, Ivan at angela at ang parents niya at ang nanay ding nandito din at si domenic na may dalang cake tinignan ko si mikasa na katabi ko at ngumiti lang siya.

"Happy Birthday rin at len!" Sabi nilang lahat lumapit naman sakin si Ivan siya kasi may dala ng cake.

"Kumanta na tayo para mahipan na ni len yung cake." Sabi ni Ivan at nagsimula naman silang kantahan ako at si rin, nakalimutan ko na birthday na pala namin. Tawa naman sila ng tawa kay Ivan habang kumakanta dahil para itong batang sumasayaw hay nako. Sumigaw si Ivan na kainan na daw ng cake pero ako nakatingin lang kay rin habang nakangiti at nagulat ako ng pahiran ako ng cake ni Ivan sa pisngi kaya tinignan ko siya ng masama.

"Siraulo ka talaga." Sabi ko at aba dinidilaan pa ako

"Anye nye nye nye." Sabi niya kaya kinuha ko yung hawak niya cake at tinapat sa mukha niya at pinahid ko kaya tawa naman ng tawa sina mom. Para daw kasi kaming mga bata. Naggagantihan na kami pinipigilan na nga kami ni angela at mikasa pero wala padin, papahiran ko na sana si Ivan ng tumigil siya pati sina dad tumigil sa pag tawa at nakatingin lang kay rin ng pagkabigla nakatalikod kasi ako.

"Len." Tawag sakin ni Ivan

Humarap ako kay rin at nakita ko siyang nakaupo at nakangiti habang nagiinat

"Nagising ako sainyo ang iingay nyu kasi eh, oh bakit kayo tumigil?" Tanong niya agad akong niyakap siya naramdaman ko naman na hinaplos niya at buhok at likod ko. Tumulo ang luha ko dahil napakagandang regalo ito para sakin ng panginoon. Walang makakapantay na saya ang nararamdaman ko ngayon.

"Len tama na baka mawalan na ng hininga yan sa yakap mo." Sabi ni Ivan na ikinatawa ng iba habang umiiyak. Bumitaw na ako sa yakap namin at hinaplos ang mukha niya habang tumutulo padin ang luha ko.

Pinky Promise To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon