[Miku/Rin Point Of View.]
"Halaa nasan ako?" puti lang lahat ng nandito teka patay naba ako huhu wag naman sana
"Rin." may nagsalita at lumingon naman ako sa magandang babae teka siya yung nasa park patay na din kaya siya at ano bakit rin? sino si rin?
"Ahm kayo ho yung nasa park hindi ba? at sino po si rin?" tumingin ako sa paligid at kaming dalawa lang ang nandito so ako si rin? huh? pero miku ang name ko
"Ako nga, hindi mo ba ko matandaan?" tanong niya at umiling lang ako
"Sige ipapaalala ko sayo." sabi niya at nagiba ang paligid
at nakita ko yung koste na pagewang gewang at makakasalubong niya yung truck kung di siya iiwas at ayun tumama yung truck sa taxi at tumalsik iyon.
"Tulungan natin sila." sabi ko at tumakbo at nakita ko sinundan niya lang ako
at paglapit ko nakita ko ang bata na yakap ng babae at nakita ko yung babae siya yung kasama ko ngayon
naguguluhan na ako
nasaan ba ako?
"Sino kaba? bakit kamukha mo siya?!" takang tanong ko
"Panuorin mo lang." sabi niya at ngumiti
at nakita ko si nanay ding na lumapit dun sa babae at alalang alala siya
"Nagmamakaawa ako iligtas nyu ang anak ko." sabi niya at binigay niya kay nanay yung bata at at ......... ..........
ako yun, Oo ako so siya ang tunay kong ina? at ililigtas din sana siya ni nanay pero tuluyan ng bumagsak ang taxi at naramdaman ko na lang na may luha na ako
tinignan ko kung nasaan yung nanay ko pero wala na siya hindi ko na siya nakita pa, bakit? nasaan ba talaga ako? patay naba ako?
at dinala naman ako ni nanay sa bahay namin
"miku."
"miku."
"MIKUUU!"
at nagblur na ang lahat.
(END)
"Huh?" nakita ko si mirai na alalang alala sakin
"Anong huh? kanina pa kita ginigising dahil umiiyak ka, ano ba ang napaniginipan mo?" tanong niya at pinainom ako ng tubig
"Ang weird ng panaginip ko ee, at nakalimutan ko na din yung details." sabi ko
"Maalala mo din yan." sabi niya habang hinahagod ang likod ko
Nakaupo lang ako sa kama ko at iniisip pa din yung mga panaginip ko tinawag ako nung babae na rin, yun ba ang tunay kong pangalan? pero bakit hindi ko parin maalala ang lahat? mahahanap ko pa kaya sila? nabuhay kaya yung babae o ang tunay kong ina? sana nabuhay siya gusto ko pa siyang makita at mayakap kahit ilang saglit lang. Tama yun dapat hanapin ko yung babae naalala ko pa ang istura niya pero paano naman namin siya mahahanap ang laki ng mundong ito impossible na mahanap namin siya, gusto ko na makita ang tunay kong magulang pero hindi naman sa ayoko na kay nanay pero gusto ko parin silang makita at makasama.
"Miku malapit na pala ang birthday mo ano? mag 17 kana." sabi niya
Oo nga pala 2 weeks na lang at birthday ko na
"Yup." sabi ko
"So anong balak mo?" tanong niya
"Hmmmm Umuwe na lang tayo kay nanay at dun na lang magcelebrate." sabi ko
"Magandang ideya yan, tawagan na lang natin si nanay mamaya." sabi niya
Oct 25 kasi ang birthday ko nakalagay daw yun sa sulat na nakalagay sa bag ko nung bata pa ako. kaya yun yung birthday ko.
pero siya nga ba ang tunay kong ina? pero bakit nsa panaginip ko siya? at namatay nga ba siya? naguguluhan ako, wala akong ideya kung sino ako ang tunay na ako o sino ang pamilya ko. gusto kong humanap ng sagot pero hindi yun madali wala akong matandaan kahit isa. ang hirap naman ng ganito.
"Huyy ano ba! kwento ako ng kwento para sa birthday mo tas dimo naman ako pinapakinggan." sabi niya habang naiirita
"Ayyy sorry hehe may naalala lang kasi ako." pagsisinungaling ko hayst
"Okay back to topic, dun na lang tayo sa resort nina jane maganda doon diba?" sabi niya na excited
"Oo maganda doon pero mirai okay lang naman saakin na sabay na lang sa birthday mo katulad ng dati diba?" sabi ko, pagnagbebirthday kasi ako konting handa lang tas kapag birthday na ni mirai maghahanda ng bongang bonga at okay na ako duon.
"Lagi ka na lang nakikisabay saakin ee mas maganda kung solo mo lang yung party mo at bongang bonga diba?" sabi niya habang nakangiti
"Well gusto ko pero wala naman tayong sapat na pera para duon." sabi ko
"Nakuuu madali lang yun uutang muna ako kay erin." sabi niya at ngisi, utang o hingi paraparaan. tsk tsk tsk
"Aabalahin mo pa yung tao, wag na okay na ako sa pancit at lumpia ni nanay ding noh." sabi ko
"Miku hayaan mo na kami ni nanay napagdesisyonan narin namin toh kasi baka next year hindi ka na namin makakasama sa birthday mo at yung tunay mo ng pamilya." sabi niya at niyakap ko lang siya at umiling iling
"Kahit makita ko na sila hinding hindi ko kayo makakalimutan at syempre imbitado kayo sa party ko noh, kung makita ko na sila." sabi ko at napabuntong hininga
"Makikita mo din sila tiwala lang, nako ang drama na natin bsta maghahanda tayo sa ayaw at sa gusto mo." sabi niya well wala na akong magagawa. "Oyy magready kana malapit na tayo umalis." sabi niya, Oo nga pala sa sobrang kadramahan namin nakalimutan kong may pasok pa pala kami
Naglalakad na kami papunta sa classroom namin ng may maramdaman kami ni mirai na may sumusunod samin at tumingin lang ako sakanya at sinenyasan niya akong tatakbo kami at bumilang kami ng tatlo at tumakbo at nagulat kami dahil yung mga lalaki hinahabol kami waaaahhhhhhhhh!!!! teka nasa school na kami pero may bad guys parin omeghed. bago pa ako makaliko ay ang may humablot na sakin. ohmegesh!! lord ayoko pang mamatay!!! I want to live! gusto ko pang makita ang magulang o kapatid ko if meron. at gusto ko pa yumaman. waaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!
"Hoyyy bitawan ninyo yung kapatid ko!!! mga hinayupak siraulo walang modo kayo!!!! bitwan nyu siya!!!!!!!" grabe si mirai kung makasigaw, di ako makasigaw dahil may nagtakip ng bibig ko
"Anong gagawin namin dito jake?" Tanong nung lalaki na may hawak kay mirai
"Patulugin nyu na yan tapos dadalhin na natin toh kay boss." sabi nung lalaki na may hawak sakin
nakuuu miku kailangan mong kumawala!! Ba't ba kasi sobrang lakas niya?!!! Arrr!
at nakita ko na tinakpan nila ng panyo si mirai at nakatulog siya, at nagpapapalag ako dyuskoooo miraiii!!!!!!! mga siraulo silaaa!!!!!!
pero hindi parin ako makaalis kasi ang lakas niya arrrrr!!! kahit anong gawin ko. dinala nila ako sa koste at naramdam ko meron silang pinaamoy sakin at nagblurr ang paligid hanggang sa wala na akong makita.
Mirai intayin mo ako.
BINABASA MO ANG
Pinky Promise To You
Fiksi RemajaSabi nila "Promise are ment to be broken" pero hindi ako naniniwala dun dahil tutuparin ko sa kapatid ko yung sinabi ko na hahanapin ko siya no matter what at gagawin ko ang lahat lahat para lang sakanya dahil she is my younger and twin sister at k...