Prologue:

17 1 0
                                        

8 years ago...

"Parang awa mo na! Hindi po namin kayo namukhaan! Patawad! Wag niyo po kaming patayin!!"

"Hindi niyo ako namukhaan?... edi ano pang silbi ng mga mata niyo? Maigi na sigurong, bunutin ko na ang mga walang kwenta niyong mga mata.. wala din palang silbi yan eh." sambit ng dalaga habang dinidilaan ang punyal na hawak.

"Patawad po! Patawad!! Patawa--.. arghh!" hinagis ng dalaga ang punyal na hawak sa dibdib ng lalaki.

"Ang ingay... nakakainis. "

"H-Hayop ka! Wala kang awa!" sigaw ng isa pa. Tinignan niya ito ng malamig ngunit pamatay.

"Nung pinatay niyo ba ang mga magulang ko, nagbigay ba kayo ng awa?" malamig na sambit nito.

"Hindi! Ngunit may dahilan kami!! At yun ang nararapat!" sabi ng babae.

"That's bullsh*t!" hasik nito. "Killing is not the answer! You killed the only family I had! And by that you kill that five year old girl, you killed ME!"

"No, you didn't know anything! It's only the right thing to do!"

"Naisip niyo ba ako? Kung ano ang mangyayari dun sa bata kapag nawalan siya ng magulang? HA?!" sigaw ko dito at di nakapag-timpi na kinuha ang baril at tinutok sa batang kasama nila.

"Ipapatikim ko sa inyo kung papaano mawalan ng mahal sa buhay! Kung papaano maging mapag-isa, sa pamamagitan nito.." at tinutok ko sa dalawa ang baril. "Papatayin ko kayo... kaya.." tinignan ko ang batang takot na takot na nakatingin sa akin. "Ipapakita ko sa'yo ang aking nakita at naranasan nung nasa edad mo pa lamang ako.... ang mawalan ng magulang... " at wala siyang sabi-sabing kinalabit ang gatilyo at tinamaan ang mag-asawa. Napasigaw ang bata sa takot, kaya lumapit ako dito at tinakpan ang bibig.

"I want you to become strong as well... I want you to realize the world I've lived with. I will wait for the time that you will have your vengeance against me, child." at saka ko ito pinatulog. Ngunit, ang mga matang may halong takot at galit sa kaniyang mata... ang mga mata ng tulad ko. Isang halimaw na tulad ko.

I am Alistair Olivia Vinci. Isang babaeng may matinding galit sa mundong kinalalagyan ko. Isang babaeng kinamumuhian ng lahat.

Hindi ako ordinaryo, at alam ko yun.

Dahil isa akong halimaw... isang halimaw na hindi dapat ginigising sa panahong natutulog ang tunay na anyo.. ang halimaw na handang kumitil, maging mahalaga man sa kaniya ito. At higit sa lahat....

isa akong babaeng may tunay na halimaw na lumalamon sa pagkatao ko.


Ngunit nagbago ang lahat ng iyon, dahil sa eskwelahang ito... sa kanila....... at sa kaniya.

Pero dahil sa galit at poot na nabuo sa aking loob, nakalikha ako ng isang halimaw. Isang halimaw na magpapabagsak sa akin...

-----

AN: Hi guys! Ito na po ang prologue ng MF! Sana magustuhan ninyo!

Please don't forget to Vote and Follow! :)

Monstrous FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon