1: Alistair Olivia Vinci

23 2 0
                                        


Alistair's POV

"I knew it! Siya ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan dito! Halimaw talaga yan!!! Dapat sa kaniya ang mamatay!" dinuro ako ng babae. This is normal...

Blah blah blah... =_=

"Ano pa bang aasahan natin sa demonyong yan? Nasan ba ang mga magulang ng batang ito?!"

Kasalukuyang nakatali ang mga kamay ko at hawak-hawak ng mga bantay.

"Hindi siya pinalaki ng maayos kaya ganiyan kasama ang kinaugalian ng babaeng yan!" napamulat ako ng mga mata at walang kahirap-hirap na sinira ang tali sa aking mga kamay.

"You know that I hate people like you, right?" malamig na sambit ko na kinatakot nila.

"Pigilan niyo yang halimaw na yan!! Pigilan niyo! Papatayin niya ako!!"

Ngumisi ako at tinignan siyang nakakaloko.

"Yun ba ang gusto mo? Ang mamatay? hmm?" tanong ko sa kaniya. Kaya napaatras ito. Lalapit pa sana ako nang may pumigil sa'kin.

"Uno, tama na. Nawawala ka na sa kontrol mo." tss. No fun.

"Kailan ba ako hindi nawala sa kontrol, Hans?" tanong ko dito na ikinailing niya.

"Miss Vinci.." napatingin ako sa chief ng lugar nang lumapit ito sa akin. "Pang-isang daan at dalawampu't anim na ito, Alistair. Kaya kitang patalsikin dito, ngunit kung hindi dahil sa iyong mother superior kaya di ko magawa." napairap naman ako. Takot lang kayo. Tss.

"Walang galang ang batang yan! Napakabuti ni Mother Superior sa kaniya, ngunit napakasama niya! Hindi siya nararapat na maglingkod sa ilalim ni Mother Superior! Demonyo ang batang yan!" at sinamaan ko naman ng tingin ang nagsalita.

"Sabihin niyo lang sa akin, at aalis ako ng walang angal." sabi ko dito.

"Ewan ko, Alistair. Ewan ko." at umalis na si chief. Naglakad naman ako palayo nang may humarang.

"Anong problema mo, Hans?" tanong ko sa kaniya.

"Balak mong iwan ang grupo natin, Uno?" sabi niya ngunit sapat iyon para hindi marinig ng iba.

"Kaya niyo namang makipaglaban habang wala ako, kaya ano pang saysay ko?"

"Ikaw ang founder at leader ng grupo, Uno. Kung nasaan ka, nandun din kami." sabi ni Stella, isa sa mga taga-sunod ko.

"At hindi pwedeng mawala akers! Mga beks, bawal mawala ang nag-iisang dyosa ng grupo natin." sabi ni John. =_= He's gay.

"Ali..." napatingin ako sa tumawag sa'kin. "Are you sure about that?"

"I don't know, Lee.. It depends. As for now, I'm staying." napangiti naman silang lahat sa sinabi ko. "As long that I'm in control.." nangamba sila sa sinabi ko.

Natural na sa'kin ang mawala sa kontrol, lalo na sa angking lakas ko. Ngunit may mas mabigat pa kaming problema kapag nawala na talaga ako sa wisyo.

"Nandito lang kami, Ali. We won't leave your side." sabi ni Lee. Tinignan ko lang siya at tinalikuran na sila. I hope so, Lee...

----

"Anak, kamusta ka? May masakit ba sa'yo?"

"Okay lang po ako, mother superior. Sanay na din na po ako." sagot ko dito.

"Naku, ikaw bata ka! Napakatibay mo! Huwag mong pansinin ang mga nagsasabi ng masama sa'yo, mabuti kang bata, alam namin ni Mother Superior yan." sabi ng alalay ni Mother Superior, si Nanay Eva.

Monstrous FantasyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon