Alistair's POV
"Olivia!" napalingon ako at nakita ko si Mother Superior na galit. "Hindi mo alam ang ginawa mo!"
"Mother Superior, pinigilan ko lamang po ang demonyong iyon! Kundi manganganib po kayo." sagot ko dito.
"Wala ka bang tiwala sa kakayahan namin, Olivia? Nang dahil sa ginawa mo ay...ay.."
"Ay alin, Mother Superior? Alin yung gusto niyong sabihin? May mga bagay nanaman bang hindi niyo sinasabi sa'kin?" naiiyak kong sabi. Napabuntong hininga ito at tumingin sa akin.
"Olivia, binalaan na kita tungkol sa kapangyarihang taglay mo. Handa ka na ba sa mga kabayaran nito?" natakot ako sa sinabi ni Mother Superior. Handa na ba ako?
"Maging ano man po ang kalabasan ng tadhana ko, tatanggapin ko yun..." sabi ko.
"Ngunit, anak... mapapalayo ka sa amin." sabi ni Nanay Eva kaya napakunot ako.
"Bakit po? May kukuha ba sa'kin?" tanong ko pero hindi sila sumagot. "Bakit ba ang dami niyong inililihim sa katotohanan tungkol sa buhay ko?" tanong ko sa kanila. Perodahil hindi sila sumagot ay umalis agad ako.
---
Naglalakad ako ngayon sa isang parke. Medyo madilim pa iyon at tahimik ang paligid. Mukha nanaman akong emo dito.
"Ali, napakat*nga mo! Hindi ka nag-iisip!" at sinabunutan ko ang sarili. "Halimaw ka talaga.." tumingin ako sa langit at natanaw ko ang buwan.
"Ang mga demonyong tulad natin ay nababagay sa dilim, Alistair.." ito nanaman ang mga boses.
"Manahimik ka Zen! Huwag kang makinig sa kaniya, Alistair Olivia. Huwag mong sisihin ang sarili, nangyari na yun." sabi ng isa pang boses. Ano bang problema ng dalawang ito?
"Sino ba kayo?" tanong ko. Buti nalang walang tao dito, baka akalain pa akong baliw. =_=
"My name is Zen, the Guardian of the Dark.." so Zen pala ang pangalan nung unang boses na tinatawag ko.
"I am Gabriel, Guardian of the Light. Kami ang tagapagbantay mo simula't sapul na." sabi nung pangalawang boses.
"So kayo yung dalawang maingay sa utak ko?" tumawa naman si Zen sa sinabi ko.
"Parang ganun na nga.." sabi ni Zen habang natawa.
"Bakit ngayon lang kayo nagparamdam sa'kin?" tanong ko.
"Sapagkat ito ang takdang panahon kung saan maaari na kaming magpakita sa'yo." sagot naman ni Gabriel.
"Ahh okay... So nasa utak ko lang kayo, lagi?" tanong ko.
"Nope. You are our home, Alistair. But we have our own physical appearances." sagot naman ni Zen.
"Oh?! Pwede patingi--.." nakaramdam ako ng presensya kaya tumayo agad ako. At nakita ko ang isang grupo ng mga naka-uniporme at may simbolo sa kaliwang dibdib nila.
"Sino kayo?" malamig kong tanong.
"Nandito kami upang ikaw ay aming kunin." naalarma ako sa sinabi niya at inihanda ang sarili. Run or Fight?
BINABASA MO ANG
Monstrous Fantasy
FantasyA monstrous rebel, who thought that everything is against her. A monstrous person, who is feared by alot. Alistair Olivia Vinci is the name. But because of her monstrous doings, she was transferred to a school where monsters like her belongs... ...
