3rd person POV
"Uno.. ano na po ang gagawin natin?" tanong ng lalaking naka-maskara na puti sa taong naka-suot ng pulang hood at pulang kalahating maskara.
"Naubos na ang mga bantay sa kanang parte ng mansyon, Uno." sabi ng babaeng naka-maskara din ng puti.
"Uno, may mga paparating. Mas doble sa grupong nakaharap natin kanina." sabi ng bagong dating. Ngunit, ang tinatawag nilang Uno ay nakatingin lamang sa matandang lalaking nakaluhod at naghihingalo sa sahig.
"Uno?" tanong ng unang lalaki. Iwinasiwas ni Uno ang espada at itinutok sa matanda.
"One last words?"
Tumingin ang matandang lalaki sa kaniya at ngumiti ng malungkot.
"Sa pagdating ng dugong buwan ay matatapos ang sumpa..kasabay ng pagbagsak ng malamig na ulan ay ang pagkabagsak mo. Maghanda ka, Great Divide..nalalapit na ang iyong pagtatapos." sabi nito na ikinagulat ng bawat isa sa silid maliban sa kanilang dalawa.
Napatitig ang tinatawag na Great Divide sa matanda ngunit nagsalita din.
"Kung ganun, hihintayin ko ang araw na iyon. Gusto kong masaksihan ng lahat ang pagbagsak ng Great Divide. Salamat sa impormasyon, Great Prophet. See you.." at sinaksak niya ito ng walang pag-aalinlangan. Ngumiti ang Great Prophet at hinawakan ito sa ulo..
"Live your fullest, be happy..before you regret everything." at naging puting abo siya at lumipad sa hangin..
----
"Ali, wake up! Time for your first day of school!"
Nagmulat ng mata si Alisair at bumungad ang ka-roommate niyang si Irene.
"Ang aga naman yata?" kamot sa magulong buhok ni Alistair.
"Syempre dapat maging ready ka na! 7:00 ang start ng klase kaya maligo ka na." napatingin sa orasan si Alistair at 5:25 palang ng madaling araw.
"Okay, fine.." at dumiretso siya sa banyo upang maligo.
--
Pagkalabas ni Alistair ng banyo ay naka-uniform na si Irene.
"Bakit parang ang aga mong pumasok? wala pa ngang six eh." tanong ni Alistair. Napakamot sa ulo si Irene at tumawa.
"Duty kasi ako sa library, kailangan ko pang maglinis." sagot niya kaya tumango naman si Alistair. "Uhmm, una na ako ah?" paalam nito.
"Sige.." at lumabas na ng kwarto si Irene. Napabuntong-hininga si Alistair at pumunta sa closet habang tinitignan ang schedule.
History Class?
Kaya kinuha ni Alistair ang uniporme saka sinuot. Tinignan niya ang sarili sa salamin at natawa.
I never thought that I will have the chance to wear a uniform?
Natawa si Alistair sa naisip saka dumiretso sa kaniyang kama at pinatuyo ang buhok nang may bigla siyang na-realize..
"Wait... kapag ba naliligo ako, nakikita niyo?" tanong niya sa dalawang guardian.
"Achooo! Ano daw?" sabi ni Zen.
"Oy! Oy! Hindi kami naninilip noh! Kusang sumasara ang lagusan kapag naliligo ka! Hindi kami mamboboso sa'yo." sabi ni Gabriel.
"Hmm...talaga?"
"Oo nga! Kung ano ang nakikita ng iyong mata ay amin ding nakikita." pagpapaliwanag ni Gabriel.
BINABASA MO ANG
Monstrous Fantasy
FantasyA monstrous rebel, who thought that everything is against her. A monstrous person, who is feared by alot. Alistair Olivia Vinci is the name. But because of her monstrous doings, she was transferred to a school where monsters like her belongs... ...