Chapter 2

55.5K 1.3K 51
                                        

Baxter

"Sige na weirdo! Minsan lang naman ako mag aya sayo tapos tatanggihan mo?" Tinaasan ko ng kilay si Noe dahil kanina pa niya ako kinukulit na pumunta sa isa sa mga mall na pagmamay ari ko.

"Ano naman ba ang nakain mo at umandar ang pagka-weirdo mo? O wala ka talagang nakain?" Malamig na tanong ko sa kanya. Nandito kami sa bahay ko sa Tiger Village. Mag kapit-bahay lang kami ni Noe kaya madali niya akong mapeperwesyo.

"Tsk! Fine. Nasa mall niyo si Faith, hinihintay niya ako." Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Akala ko ba ay ayaw na ayaw niya kay Faith? What's going on? Mukhang may nakain nga itong hindi pang karaniwang na pagkain tsk tsk. Nagbago na siguro ang tingin niya kay Faith.

"Ayaw mo pala kay Faith huh? Look at yourself a*shole." Sinamaan niya ako ng tingin kaya nagkibit balikat ako at tumayo na. May pupuntahan din naman ako sa mall kaya sasabay nalang ako sa kanya. Swerte naman siya kung sasama pa ako sa date nilang dalawa, ayaw ko maging third wheel.



Cleassie

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Cleto na sobrang lakas kumain ng ice cream, ito ang pinaka-favorite niya ang Ice cream.

"Pagkatapos natin dito anak, mag grocery tayo ah? Malapit na kasing maubos ang stock sa bahay" Tumango lang si Cleto dahil puno ang bibig niya ng ice cream.

Mula dito ay nahagilap ng mata ko ang babaeng nasa Restaurant kahapon. Ano naman kayang ginagawa ng babaeng to dito? Nag hihintay ng date o oorder na naman ng marami? Hindi ko nalang pinansin at tinuon ang attention ko kay Cleto, maya maya pa ay biglang nag vibrate ang phone ko dahil sa tawag. Si Mica.

"Yes Mica?" Sabi ko, rinig na rinig ko sa kabilang linya na hinihingal si Mica kaya kinabahan agad ako. Wag naman sana mangyari ang iniisip ko.

"Mica? Bakit hinihingal ka? Are you okay?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Saglit lang ay sumagot agad si Mica.

"N-nasan ka ngayon?" Hinihingal na tanong niya. Tumayo ako at lumapit sa glass wall nitong shop habang nakatingin kay Cleto.

"Nasa Ice cream shop kami. Bakit ka hinihingal?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Malamang galing ako sa pagtakbo Clea. Tumawag nga pala sa akin ang close friend mo, nangungumusta kay Cleto." Sabi na nga ba, siya ang dahilan kung bakit tumawag si Mica.
Lumapit agad ako ay Cleto at pinunasan ang bibig niya gamit ang tissue sa lamesa at binuhat agad siya.

"Mommy? Where are we going?" Inosenting tanong ni Cleto,

"Sa tita Fyonna mo." Mabilis ang kilos ko kaya hindi ko namalayang may makakabunggo ng balikat ko at muntik ko na mabitawan si Cleo.

"Sorry sir nag mamadali kasi ako." Sabi ko ng hindi lumilingon pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa balikat ko at hinarap ako sa kanya.

"Cleassie?" Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking may problema sa aso na pumunta sa Restaurant kahapon at kasama niya ngayon si Sir Noe.

"Bakit?" Kating kati na talaga akong umalis dito dahil kinakabahan na ako.

"Saan ka pupunta? At... Anak mo na itong bata?" Tanong ni Kuyang galit sa aso.

"Oo, anak ko siya. Sige po aalis na ako dahil nagmamadali po talaga ako." Sabi ko sabay talikod sa kanila, pagkalabas ko ng Mall ay humanap agad ako ng taxi, hindi ko gamit ang motor ko dahil kasama ko si Cleto. Hindi pa siya marunong umangkas sa likoran ko.

"Cleassie, sumabay na kayo sa akin." Gulat na napatingin ako sa gilid ko dahil tumabi si kuyang galit sa aso. Anong ginagawa ng lalaking ito?

"Wag na Kuyang galit sa aso." Kumunot naman ang noo niya. Nagulat nalang ako dahil kinuha niya si Cleto sa bisig ko kaya nataranta ako nang maglakad na siya.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon