Chapter 5

47.9K 1.1K 25
                                        

Cleassie

"Diyos ko naman Clea! Ang sabi ko hanggang 9pm wag kayong uuwi! Hindi ko sinabing sumama ka kay Baxter Vinagre! Alam mo ba kung gaano ka gulo ang pinasok mong mundo?! Paano kung malaman niya na-" Hindi ko pinatapos si Mica sa sasabihin niya baka may makarinig sa amin. Nasa labas pa naman kami ngayon.

"Mica, lalayo na kami kay Baxter, hindi na kami magpapakita." Tinignan niya ako ng masama at uminom ng soft drink na binili namin kanina sa tindahan.

"Alam mo naman diba na kaibigan niya si Sir Noe? Anong gagawin mo? Aalis sa trabaho? Saan na kayo makakakuha ng pang araw-araw niyan? Magugutom kayo? Ganoon?" Sinamaan ko ng tingin si Mica dahil umaandar na naman ang pagkabungangera niya. Ayaw na ayaw ko talagang binubungangaan ako eh. Nakakairita.

"Tama na Mica, ang sakit mo sa tenga." Naglakad na ulit kami pa uwi. Habang nag lalakad kami ay na aalala ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Baxter, yung paglalaro nila Cleto kanina sa Bax's Game Land. Pagkatapos kasi namin sa mall ay nagyaya na akong umuwi dahil maling-mali talaga ang ginagawa kong paglapit sa kanya. Hindi na nga kami nakapagusap dahil sa pagmamadali ko.

Pagkarating namin sa bahay ay naabotan ko si Cleto na nanunuod ng TV. "Anak? Hindi ka pa matutulog?" Tumingin lang sakin si Cleto at umiling tsaka nag balik ng tingin sa TV.

"Nga pala Clea. Mother's day bukas, anong plano mo?" Napatingin ako sa calendar malapit sa pinto at nakitang mother's day nga bukas. Huminga ako ng malalim at tinignan si Mica.

"Aalis na ako sa trabaho bukas. Papasyal kami ni Cleto sa park. Ganoon lang ka simple." kibit-balikat na sagot ko kay Mica at pumunta sa kusina. Agad naman akong sinundan ni Mica na may hindi makapaniwalang tingin.

"Are you crazy Clea? Saan nalang kayo pupulutin ni Cleto pag wala ka ng trabaho? Alam mo Clea kaya naman kitang buhayin eh. Kayong dalawa ni Cleto pero alam mo ang sitwasyon ko Clea." Humarap ako sa kanya at kinunutan ko siya ng noo.

"Kaya ko rin buhayin ang sarili ko Mica, at si Cleto alam mo iyan. You don't have to worry, isipin mo nalang ang sarili mong problema." Humarap ako sa bintana ng kusina at namaywang tsaka nag pakawala ng malalim na paghinga.

"I know Clea, I know! at ano? Uuwi ka? Tapos ano? Anong mangyayari? Alam mo Clea kung ako sayo dapat sa-" I cut her off.

"Then what? Selfish na kung selfish, pero kasi Mica mahal ko si Cleto at hindi ko siya kayang mawala sa akin. Please Mica, ayaw kong lumaki ito kaya umalis ka na. Ayaw kong mag away tayo dahil dito." Bago umalis si Mica ay mataman niya muna akong tinignan at umiling, pero bago pa siya makalabas ng pinto ay humarap muna siya sa akin.

"Hindi ka patatahimikin ng konsensya mo Clea, tandaan mo." Paglabas niya ay kasabay ng pagtulo ng luha ko. Masyado na akong napamahal kay Cleto, alam ko na ang selfish ko na masyado pero nagawa ko lang naman ito kasi mahal ko si Cleto at ayaw kong mawala siya.

"Mommy? Nag aaway po kayo ni Ninang Mica?" Napatingin ako kay Cleto. Ngumiti ako sa anak ko at lumunod sa harap niya.

"Am I bad anak?" Mabilis naman na umiling si Cleto na labis na nagpangiti sa akin.

"You are not bad mommy, because you always take care of me. By the way mom. Advance Happy Mother's day." Matapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa noo at yumakap sa leeg ko. Sobrang saya ko dahil dumating si Cleto sa buhay ko, kung wala siya ay hindi ko makakayanang tumayo sa sarili kong mga paa.

"Oo, aalagaan kita anak. Aalagaan kita sa abot ng makakaya ko." Pabulong na sabi ko. Hinarap ko siya sakin at hinawakan ang dalawang balikat niya.

"Darating ang araw na hindi mo na ako makakasama anak, kaya kailangan mo maging responsable. Okay?" He smiled at me. The sweetest smile ever.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon