Baxter
Tumunog ang cellphone kaya agad ko itong kinuha, tinignan ko muna si Clea bago sinagot ang tawag ni Dylan
"Hey weirdo?"
"Baxter, nasa placer ka ngayon diba? Magkita tayo sa Carmen resort" Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Cleto.
"Dylan, tulog si Clea at ako ang mag aalaga kay Cleto"
"Edi dalhin mo si Cleto, andito ako sa Carmen resort sa coffee shop" Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na niya ang tawag kaya naman napakunot agad ang noo ko.
Walang modo.
Pumunta ako sa kwarto ni Cleto at naabotan ko siyang nakaupo malapit sa bintana.
"Kiddo, we're going to Carmen resort" Humarap siya sakin at tumayo na.
"Si mommy po?"
"Tulog siya, kaya tayo lang ang pupunta. Change your shirt and we're going" Lumabas na ako sa kwarto ni Cleto at pumasok sa kwarto namin ni Clea.
Nag sulat ako ng notes at iniwan sa bed side table, hinalikan ko muna siya sa noo.
"Te amo Mi Esposa"
----
Pag dating namin ni Cleato sa Carmen coffee shop ay nakita ko agad si Dylan sa gilid na busy sa pagtitipa sa laptop.
"Hey weirdo" Napa angat siya ng tingin sa akin at kay Cleto, umayos siya ng upo kaya umupo na din ako sa tapat niya.
"Hey boy, can you please go to that room and stay there till we finish our discussion?" Tumango naman si Cleto kay Dylan at pumasok na sa isang pinto.
"Masunorin na bata" comento ni Dylan habang nakatingin sa pintong pinasukan ni Cleto
"Yeah, so what's with this discussion all about?" Tanong ko sa kanya, sinara niya ang laptop at humarap sa akin
"Weirdo, dederetsohin na kita, Hindi anak ni Clea si Cleto. Because Cleto is the son of your long lost sister, Beatrice and her boy friend Clark Mimosta" kalmado lang ako habang nakikinig kay Dylan.
"Noong 2nd year High school tayo, umalis ang ate mo sa puder ng mga magulang mo at lumipat ng Immaculate of Heart Marry Academy or IHMA. Anong rason niya sa inyo?" Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Dylan.
"Rason niya kay mommy at daddy? Sabi niya, gusto niyang manuhay mag isa at malayo sa amin para masanay na daw siyang mag isa" tumango tango naman si Dylan at binuksan ang laptop niya.
"Bago matapos ang taon natin sa 4th year, nag offer ang DepEd kay Cleassie Bautista ng palaro para sa National Athletes. Pero tinanggihan niya ito, March 2, 20-- umalis siya sa ANHS ng walang paalam. Iyang date na iyan ay yung time na umalis ang ate mo ng walang paalam papuntang New York kasama ang Boyfriend niyang si Clark at si Clea. Doon sila nag patuloy sa pag aaral at di kalaonan ay nagkaanak sila Clark at Beatrice at iyon ay si Cleto." Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at suminyas na tumigil muna siya. Fuck! Too much information. This is a goddamn shit information that gives me head ache for goodness sake!
"Let's say, Cleto is my nephew. And where the hell is my sister now?"
"She's in Paris now with her husband Vence Montes and your younger nephew, Eos Montes. Beatrice is planning to get Cleto from Clea, kukunin na niya si Cleto dahil pinag iinitan na si Clea ng biological Father ni Cleto" Paliwanag ni Dylan. Napasandal ako sa upoan at umiling sa kawalan. I don't know what to say and I don't know how to act normal in front of Clea after this revelation.
"Clea and Beatrice is Childhood friend, si Noe naman at Beatrice ay mag best friend kaya malamang ay alam niya ito" dagdag impornasyon ni Dylan at tumayo na sabay tapik sa balikat ko.
Tumango lang ako sa kanya.
Cleassie
Nagising ako dahil nakaamoy ako ng mabaho kaya dali dali akong tumakbo sa CR at nagsusuka. Grabe! Ano ng nangyayari sa akin?
Nagmumog muna ako bago lumabas sa CR at sinara ang bintana sa kwarto dahil galing pala sa baba ang amoy na iyon.
Umupo ako sa gilid ng kama ng may napansin akong papel doon kaya kinuha ko iyon at binasa.
Mi Esposa,
I'm going out with Cleto, your lunch is in fridge.
Take care.
Your Esposo
Esposo? Tsk. Asawa ko ba siya? Sa pagkakaalam ko kasi Hindi eh.
Tumayo nalang ako at tinapon sa basurahan ang sulat tsaka ako lumabas ng kwarto, tuloy tuloy lang ang lakad ko ng biglang may pumasok sa isip ko.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang phone ko tsaka ko tinawagan si Mica.
"Hoy Bruha! Anong atin?" Wala man lang hello? Tsk. Walang modo talaga. Nag taka naman ako kasi bakit ang bilis ko na magalit at uminit ang ulo?
"May kamatis ka?" Tanong ko nalang sa kanya
Nilayo ko agad ang phone ko dahil sa lakas ng boses niya na makalaglag eardrums talaga.
"Huh?! Anong kamatis?! Hoy anong nakain mo at naghahanap ka ng kamatis?!" Kumurap ako, bakit nga ba? Anong meron sa kamatis?
"Mamimigay ka ng kamatis o magpapakamatay ako?!" Hindi ko alam kong normal pa ba ako o kung ano na?
Seriously? Nag dedemand ako ng KAMATIS? aanhin ko iyan!
"Sige sige. Wait! Umamin ka nga! May nangyari ba sa inyo?" Kumunot naman agad ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan
"Anong nangyari?" Takang tanong ko sa kanya
"Ay wala! Alam ko na kung bakit ka ganyan. Gaga ka talaga alam mo naman na madaling mabuntis ang lahi niyo tapos binigay mo na agad kay Baxter na hindi naman kayo in the first place! Tapos ano? Pag buntis ka nga ano na gagawin mo? Wa—" Hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita dagil sobrang haba na ng lintaya niya sa akin.
"Exaggerated ka. Buntis agad? Tsk. Bye na, sayo nalang yang kamatis" tapos pinatay ko na ang tawag at padabog na lumabas sa kwarto.
Pag dating ko sa kusina ay binuksan ko ang fridge, pero agad ko iyong sinara ng maamoy ko ang adobo na ulam dahil sobrang baho.
Umupo ako sa gilid ng fridge at sinubsob ang mukha ko sa nga tuhod ko.
"Nabubuang na talaga yata ako, ano bang hinahanap ko? Kamatis lang naman. Pero bakit kamatis?" Kinakausap ko sarili ko at siguro nga ay nabubuang na ako.
Tumayo na ako at lumabas ng bahay, naglalakad ko papuntang tindahan dahil gusto ko talaga ng kamatis.
Baxter
Pag dating namin ni Cleto sa hotel room ay sobrang tahimik, siguro nasa kwarto si Clea.
"Magpahinga ka na sa kwarto mo Cleto" sabi ko kay Cleto habang hinuhubad ko ang T-shirt ko.
"Yes Dada" tumakbo papuntang kwarto si Cleto at ako naman ay naglakad na papunta sa kwarto namin ni Clea.
Wala akong naabotan kaya kinabhan ako bigla, nag madali akong bumaba ng hagdan.
Sumilip ako sa glass window at wala akong makitang Cleassie, nasaan na ba ang babaeng iyon?
BINABASA MO ANG
Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)
Narrativa generaleWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS MATURE SCENE ARE IN PRIVATE. FOLLOW ME FIRST AND WHEN YOU'RE DONE READING, YOU CAN UNFOLLOW ME IF YOU WANT. Book Cover by: @sailerstories Love at first sight? Wala iyan sa bocabyolary...
