Chapter 7

38.4K 1.1K 20
                                        

Cleassie

Habang nakaupo sa backseat ng kotse namin ay hindi ako mapakali at nanlalamig ang mga kamay ko. Panay ang pahid ko sa mukha ko na nagpapawis pa mula kanina ng umalis kami sa bahay, bawat usad ng sasakyan ay bumibilis pa ang tibok ng puso ko na kanina ko pa pinipigilan. Lord help me.

"Mommy, your hands are sweating." Ngumiti ako ng pilit kay Cleto. Nakita ko na napatingin sila mama at papa sa direksyon namin ni Cleto kaya agad akong nagbaba ng tingin.

Naramdaman ko na bumagal ang takbo ng sasakyan kaya tinignan ko sa labas, at halos kapusin ako ng hininga nang makita kong malapit na kami sa pag gaganapan ng party.

Huminto ang kotse namin sa labas ng garden, pagbukas ng pinto ay may umalalay sa akin, at sigurado akong isa siya sa Tigers dahil nakita ko na ang mukha niya dati sa basketball team.

"I believe that I'm handsome but please stop staring at me, your Esposo will be mad." Napakurap ako sa harap ng isang malaadonis na lalaki. May biglang dumating at nagulat ako nang hilain ako ni sir Noe.

"Sir Noe." Nasabi ko nalang, tinignan ko ang pwesto ni Cleto at labis ang kaba ko ng wala na siya doon kaya nataranta ako.

"Don't worry about your son Cleassie, someone is taking care of him." Napatingin ulit ako kay Sir Noe, gwapo rin siya at mas lalo siyang naging gwapo sa suot niyang tuxedo.

"Let's go." Hinila ako ni Sir Noe at nagtaka ako kasi ibang daan ang tinahak namin embes na sa garden kami pupunta ay patungo sa mansion ang daan na tinatahak namin.

"Sir Noe, sa garden po ang venue." Hindi siya lumingon sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hawak ako sa kamay.

"Stop questioning Cleassie and stop calling me Sir. Hindi ka na nag tatrabaho sa akin." Tumango nalang ako at nagpatangay nalang kay Noe. Pumasok kami sa mansion at nakita ko ang lahat ng member ng Tigers kasama si Cleto, naglalaro sila ng Cars.

"Hi mommy!" Kumaway si Cleto sa akin, bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan nang makalaro niya ang mga Tigers.

"Tignan mo Clea, your son is very happy with those weirdos. Magtatago ka pa ba?" Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Noe na seryosong nakatingin sa gawi ng mga naglalaro.

"But don't worry, I wont tell anyone about it." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon

"Salamat, pero saan mo nalaman iyan?" Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay para makipag kamayan.

"I'm Menoetius Menoitios, her best friend." Biglang sumikip ang dibdib ko sa pagpapakilala niya. Her best friend, hindi ako makapaniwala. Tinanggap ko ang kamay niya at nagshake hands kami.

"I'm Cleassie Bautista, her childhood friend." Ngumiti siya kaya ngumiti din ako. Napabitaw ako sa kamay ni Noe dahil may tumikhim sa likod namin kaya humarap kami doon.

"Tatlong taon ka na sa Restaurant ni Noe pero ngayon lang kayo nagpakilala ng maayos. I understand, but who's her?" Napailing agad ako at tinignan si Noe, ngumiti siya at tumango tsaka tinapik si Baxter sa balikat.

"Take care of my best friend and her son." Sa sinabi ni Noe ay nagtaka ako, anong sinasabi niyang take care of my best friend and her son? Tsaka ko lang napansin na hindi nakatuxedo si Baxter.

Simple White shirt at nakapantalon lang siya, wala ba siyang balak dumalo sa party?

"Hey kiddo!" Tawag niya kay Cleto at agad namang lumawak ang ngiti ng anak ko at patakbong lumapit kay Baxter.

"Dada! I miss you so much!" Nagsilapitan ang mga kaibigan nila Baxter at nag unahan pa talagang magpakilala kaya natawa ako sa kanila.

"I'm Dylan Smith." Ani ng lalaking may bonde na buhok at hula ko ay may lahing American.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon