CHAPTER 8

41.4K 1.1K 38
                                    

Cleassie

Nagising ako ng may humalik sa pisngi ko, pag mulat ng mga mata ko ay nakita ko agad ang gwapong mukha ni Cleto, sa gilid naman ng kama ay si Baxter na nagbabasa ng libro.

"Hi mom! Good morning." Sabi ni Cleto tapos ay niyakap ako kaya niyakap ko din siya. Nakita kong napatingin si Baxter sa amin ni Cleto.

"You're awake, change your clothes and I want a decent one, okay?" Matapos sabihin ni Baxter iyon ay umalis na sila ni Cleto kaya naiwan akong nakahiga pa sa kama. Tinignan ko ang suot ko, polo ito ni Baxter at amoy Baxter pa talaga kaya hindi ko mapigilang amuyin.

"Hmm ang bango naman ni Baxter." natatawang sabi ko at tumayo na.


Baxter

Tinignan ko si Cleto na naglalaro sa buhangin, alam ko na kung saan ko nakita ang ganyang mukha and I'm sure of it. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dylan.

"Hey weirdo? What's up?" I sighed, nag lakad ako palayo kay Cleto at humarap sa dagat.

"I want you to investigate about my sister and her life in New York including her high school life in IHMA. I want all the information Dylan." Narinig ko ang pagmumura ni Dylan sa kabilang linya kaya nagtaka ako.

"Weirdo, ate mo ang iimbestigahan ko? Are you damn serious?" Humarap ako kay Cleto at mataman siyang tinignan, hindi ako pweding magkamali.

"I'm dead serious Dylan."

"Okay, okay. I will send it, but not now. Kailangan ko pa mag imbestiga sa New York kung nandoon pa ba siya." Pinatay ko na ang tawag at nilapitan si Cleto.

"Hey kiddo." Nakangiti itong bumaling sa akin.

"Dada! Can we make a sand castle?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Later kiddo. Kakain muna tayo aiyt?" Tumango lang si Cleto at naglaro ulit sa buhangin.

Now, I know the answer why Clea is still virgin. Kung bakit niya ako iniiwasan minsan. Naisip ko tuloy kung alam ba ito ni Noe. He's my sister's best friend.

Napaisip din ako kung bakit lumipat si ate sa IMHA nuong high school pa kami, kung bakit pumunta siya ng NY na walang paalam. Napatigil ako sa pagiisip ng makita ko si Clea na palabas sa hotel. She's so damn beautiful, sexy and hot.

"Baxter, laway mo" I suddenly look down and make a fake cough. Tumayo na ako at pinag pagan ang damit ni Cleto tsaka kami humarap kay Clea.

"Saan mo gusto kumain? Sa bahay nalang ba or sa Restaurant?" Tinignan niya ang paligid at umaaktong nag iisip. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong medyo tumaba si Clea ngayon. Hindi ko napansin kagabi kasi sabik ako sa kanya, pero ngayon na natitigan ko ang kabuohan niya ay mapapansin ko talaga ito.

"Restaurant nalang tayo" she said and plastered a smile on her gorgeous face. Binuhat ko na si Cleto at nag lakad kami sa malapit na Restaurant which is pagmamay ari ni Noe. May branch din kasi siya dito.

"Pati ba naman dito nagkalat ang Restaurant ni Noe?" Naiiling na sabi ni Clea at naunang pumasok. Pagpasok namin ni Cleto ay nakita ko si Clea na nakaupo na at tumawag ng Waiter, pinaupo ko si Cleto sa gilid ni Clea at umupo naman ako sa tapat nila.

"What do you want baby?" Malambing na tanong ni Clea kay Cleto, then I felt something. Jealously!. Fuck! Wala ba siyang balak na tanongin ako?

Sinabi niya sa Waiter ang order nila kaya ako naman ang nilapitan ng Waiter, and I said my order too. While waiting, I look at Clea. She's bothered.

"Clea? Are you okay?"


Cleassie

"Clea? Are you okay?" I want to answer 'No' but instead, I just smile at him.

Naalala ko na naman noong buntis pa siya . Ilang weeks pa muna bago siya nag duduwal ng malaman niyang buntis siya. Na nanaba siya, mabilis magalit. I shook my head to get rid of that thoughts. Hindi naman siguro ako-

"Ma'am, Sir. Here's your order. Enjoy!" Tumango lang ako sa waiter at ngumiti pagkatapos ay umalis na siya. Tinignan ko ang mga pagkain.

Ewwww. I feel like. Uggh!

But I have to eat this. Sayang ang pera na binayad namin sa pagkain. We started to eat actually, gusto ko ng sumuka talaga! Pero tiis lang!

"Do you know a woman who named Beatrice Vinagre?" And that made me stop. Beatrice . tinignan ko si Baxter. He's busy with his food yet his ear's attention is in me. Kinabahan ako bigla, but I still manage to composed my self.

"Wala akong kilalang ibang Vinagre maliban sa iyo at sa mga magulan mo ay wala na" Tumango tango siya pero kita sa mukha niya na hindi siya kombinsido.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng may pumasok sa isip ko kaya napatingin ko kay Baxter.

This man always says that I'm his. But never said that he love me. Ano ba talaga ako sayo Baxter? Parausan? Sa naisip kong iyon ay kumirot ang puso ko, alam ko namang ganito ang kahahantongan pero umaasa pa rin ako.

Napatigil kami sa pagkain ng may lumapit sa aming babae. She is familiar.

"Hey Bax! I'm glad to see you here!" Malanding saad nito at dumukwang pa talaga para halikan sa pisnge si Baxter.

I'm jealous! Pero wala akong karapatan! Iyan ang mahirap pag wala kayong label. You can't be jealous because you are not in the position.

"Woman, that's my Dada" Malamig na tugon ni Cleto na siyang kinabigla ko. Paano at kailan pa siya natutong maging cold? Hindi ko siya tinuroan ng ganyan. Hinawakan ko ang kamay ni Cleto para pakalmahin siya. Nakita ko naman na nagulat iyong babae.

"Hindi ko alam.... May asawa't anak ka na pala? Pinag palit mo na ako sa isang runner?" Biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi ng babae.

So what if I'm a runner?

"Then what ugly girl? If my mom is a runner, then you are a ruiner" Napakurap akong tinignan si Cleto. Saan ba niya natutunan ang mga ito?

"Enough Cleto" sabi sa kanya ni Baxter at bumaling sa babaeng may ngiting aso. Ngayon ay gusto ko itong pugotan ng ulo sa harap mismo ni Baxter.

"And you July, leave us alone. My kiddo doesn't like you" Ngumiti naman ang babaeng nagngangalang July at mas lumapit pa ito kay Baxter. Nakakainis ang babaeng ito. Kating kati na talaga ang kamay ko na sampalin siya.

"I know you miss making love with me sweetie" this time, hindi ko na mapigilang mag salita sa kanya.

"If I were you, I will leave this Restaurant before this woman who's sitting peacefully will stab you to death" Bahagya siyang natigilan at wala man lang ginawa si Baxter para alisin ang pagkakahawak ng babae sa kanya.

Siguro ay gusto rin ni Baxter. Maganda naman ang babae, sexy, hot at malaki ang dibdib na nakapatong sa balikat ni Baxter. Tsk.

Hinalikan niya ulit si Baxter at ngumisi sa akin sabay alis sa Restaurant. Ilang minuto pa ay nagsimula na ulit ako kumain ayaw ko kasi mag tanong tungkol sa babaeng iyon dahil sigurado akong masasaktan lang ako.

Tiger 1: Baxter Vinagre (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon