11 - SPG

442 2 0
                                    

Ano na ang gagawin niya ngayong nalaman niya na may nangyayari pala sa kanila ni Wook? At may nangyari din sa kanilang dalawa netong madaling araw lang.

Paano niya haharapin ang pinsan niyang si Hae Rin?

Pinaalalahanan na siya ni Ha Jin sa diary neto na layuan si Wook. Ngunit paano? Pag gising niya ay kalapit na niya ito. Bigla na lamang may nangyayari na hindi niya alam.

Hae Soo can still feel Wook's touch, kiss, and his manhood inside her. Para bang tinatakan na ni Wook na pagmamay-ari siya neto at hindi niya maalis sa isipan ang asawa ng pinsan niya.

Alam niyang mali lalo na at buhay pa ang pinsan niya ay kinakalaguyo na niya ang asawa neto.

Kahit na ba parang nanlalambot pa rin ang tuhod niya, lumabas siya ng kaniyang kwarto upang lumanghap ng sariwang hangin.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Nilingon niya ang nag salita at nakita niya ang isang matangkad na lalaki. Mukhang kagagaling lang neto sa pagtakbo dahil pawisan pa ito.

"Sino ka?"

"Totoo palang hindi ka nakakaalala."

Hindi niya gusto ang pag ngiti neto na tila ayaw neto sa kanya.

"Sino ka ba?"

"Ako lang naman si Baek Ah. Wag tayong mag-usap dito. Sumunod ka sakin."

"Bakit naman kita susundin?"

"Dahil alam kong curious ka kung anong mga bagay ang alam ko tungkol sayo."

Wala siyang nagawa kundi sundan ito.

Alam niya ang tinatahak na daan dahil ito ang daan papunta sa sikretong lugar nila ni Wook.

"Alam mo ba ang lugar na ito?"

"H-hindi"

"Ganun ba? Siguro kamukha mo lang ang nakita ko dito ilang beses na."

Natigilan si Soo sa paglalakad.

"May problema ba?"

"Sino ka ba?"

"Bakit? May problema ba? Mukhang may gumugulo sa isip mo. Tama ba ako?"

"N-nagkakamali ka. Ano ba ang sasabihin mo?"

"Mmm sige. Dito ko na lang sasabihin."

Hinintay niya itong magsalita ngunit tila wala naman ata talaga itong sasabihin sa kanya. Kaya tumalikod na siya at naglakad pabalik sa mansion ni Wook.

"Layuan mo si Wook."

Natigilan siya sa paglalakad at hinarap ito.

"Ano ang ibig mong sabihin? Nasa iisang bahay lang kami."

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Wala lang ba talaga sayo na magpinsan kayo ni Hae Rin? Pinsan ka ba talaga niya?"

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Alam kaya neto na may nangyayari sa kanila ni Wook?

"Alam ni Hae Rin ang nangyayari sa inyong dalawa ni Wook."

Nagulat siya sa sinabi nito. "Alam niya?"

Tumawa ng nakakapanlait si Baek Ah. "Akala ko niloloko lamang ako ni Hae Rin. Totoo pala."

Natutop niya ang bibig niya. Alam ng pinsan niya na may namamagitan sa kanila ni Wook. Ano ang gagawin niya?

"Kung ako sayo, lumayo ka na kay Wook. Dahil hindi ko na alam kung paano pa magpapanggap na hindi totoo ang mga sinabi sa akin ni Hae Rin. Dahil miski ako may mga ebidensya ako na may namamagitan sa inyo. Tulad na lang kaninang madaling araw. Nakita---"

The Love That Is Never Ours [R18]Where stories live. Discover now