Alam ni Soo na hindi lamang duon matatapos ang lahat ng ginawa ni Baek Ah sa kanya.
Hindi siya makalabas ng kwarto niya dahil nahihiya siya sa pinsan niya at lagi rin naroon si Baek Ah kaya dinadalhan na lamang siya ni Chae Ryung ng pagkain.
Narinig niyang bumukas ang kanyang pinto at isinara ulit ito at nilock.
Napatingin siya sa pumasok duon. Si Baek Ah.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Dinadalhan ka ng pagkain."
"Ayoko niyan."
"Talaga? Ibig sabihin mas gusto mo pang si Hae Rin ang magdala sayo ng pagkain? Ganun ba? Walanghiya ka talaga."
"Iwan mo na lamang jan iyan at umalis ka na."
"Not that fast Soo. Lalo na at isang linggong wala si Wook sa mansion. Dito lang ako hanggang sa makabalik si Wook para may mag-alaga kay Hae Rin dahil hindi na iyon ginagawa ng pinsan niya na si Soo."
Ngumiti ito sa kanya at lumapit.
"Kumain ka na para magkaroon ka ng lakas. Ayoko sa mga babae ang mahihina at hindi lumalaban."
Tumulo lamang ang mga luha niya. Pinahid ni Baek Ah ang luha niyang dumaloy sa kanang pisngi niya. "Hindi mo ako madadaan sa ganyan Hae Soo. Gusto ko ang una nating pagtatalik dahil lumalaban ka at nagagamit ko ang lakas ko sayo."
Hindi alam ni Hae Soo na nasa labas lamang ng kwarto niya si Chae Ryung at nakikinig. Sinabi ni Baek Ah na maghintay na lamang ito sa labas ng kwarto ni Soo hanggang sa matapos itong kumain.
Akamang susubuan siya neto ng pagkain ngunit pinalis lamang niya ang kamay ng binata.
"Galit ka pa rin ba sa akin Soo?"
Tiningnan niya ito ng masama.
"Pasensya na kung hindi ka na makalakad ng maayos matapos nating magniig. Sadyang ibang sarap at sensasyon lamang ang naibibigay mo sakin kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na angkinin ka buong araw."
Sa labas ng kwarto habang nakikinig ay nagulat si Chae Ryung sa kanyang mga nalaman. Bago pa man magtanghalian ay wala na si Hae Soo sa bahay. "Saan kaya nila ginawa iyon? Hindi pwedeng sa mansion nina Baek Ah. Hindi kaya sa..."
"Umalis ka na Baek Ah."
Tinawanan lamang siya nito. "Hindi ako aalis hanggat hindi ka kumakain. O baka naman... Iba ang gusto mong tikman?"
Nagulat si Chae Ryung sa kumuhit sa kanyang balikat. "Won! Anong ginagawa mo rito?"
Narinig ni Hae Soo si Chae Ryung at akmang hihingi rito ng tulong.
"Hihingi ka ng tulong? Gusto mo bang makita nila ako na nandito ako sa kwarto mo at makakarating ito kay Wook? Hindi mo iyon gusto hindi ba?"
Hindi na makaimik si Hae Soo dahil tama nga naman ito. "Makinig ka sakin Baek Ah."
Ngunit tumayo na ang binata at lumabas ng kwarto. Iniwan nito ang pagkain sa tabi ng kama niya.
Nagpadala ng mensahe sa cellphone si Baek Ah kay Hae Soo na babalik ito matapos ang isang oras.
Pababa na ito ng hagdan ng mapansin niyang bukas ang pintuan ng dapat ay sa magiging anak ni Wook at Hae Rin ngunit dahil sa sakit ng babaeng inibig niya unang kita pa lamang niya dito ay hindi na nagkaanak ang mag-asawa.
Papasok na siya sa pintuan sa pag-aakalang si Hae Rin ang naroon. Ngunit narinig niya ang boses ng kapatid na si Won na may kausap na babae. Nang silipin niya ay ang babaeng tagapag-alaga kay Hae Soo ang naroon.
"Kamusta?"
"Wala pa rin akong ebidensya na may nangyayari kay Soo at Wook na hindi magugustuhan ng ama ninyo."
"Ganun ba? Pero sino ang kasama ni Hae Soo kahapon ng mawala ito?"
"Hindi ko rin alam. Won, alam kong magaling ka. At yun na lamang ang ipakita mo kay Chairman. Wag ka ng humanap pa ng dahilan para ibagsak ang mga kapatid mo."
"Hindi ka ba naaawa kay Hae Rin?"
"Wala akong pakielam sa kanila. Ang inaalala ko lang ay ikaw. Hayaan mo na lamang na ibang tao ang makatuklas kung ano mang nangyayari sa bahay na ito. Kung anong ibigay sayo ay maging sapat na lamang iyon sayo."
"Ayoko. Lahat sila naghahangad pa ng kung anong meron na sa kanila. Tapos ako? Hahayaan ko na lamang na makuntento sa kung anong meron ako?"
"Ganun ba? Okay lang sayo na may mga taong mawala sayo para sa ikaaangat mo Won. Ganun ba?"
"Oo. Kaya tulungan mo ako."
"Sige. Tutulungan kita."
At sa pagkakataon na iyon, iyon na ang huling pagkakataon ni Won na makita at makasama ang tanging babaeng nagmamahal sa kanya.
©HallyuStar
YOU ARE READING
The Love That Is Never Ours [R18]
FanficMoon Lovers: Scarlet Heart Ryeo Fan Fiction Fan made story based on the korean historical drama. I do not own the story plot and the characters. I made this story out of frustration because of each characters' fate in the drama lol ©HallyuStar