Matatapos lamang ang lahat ng paghihirap niya kapag nawala na siya. Yun na lamang ang tanging naisip niyang paraan.
That night, she left a note in her room saying her goodbye.
She went to the river where Wook found her floating.
Desidido na siyang wakasan ang kanyang buhay. Gustuhin man niyang may pumigil sa kanya pero kailangan na niyang magising sa nakakatakot na panaginip na ito.
She let out a deep sigh. Naglakad siya sa tulay at tumigil sa gitna niyon.
Kasabay ng pagtalon niya ay ang pagtawag sa kanya ng isang tinig na matagal na niyang naririnig mula pa nuon sa kanyang mga panaginip.
As she was drowning, images from her life flased in her mind. Its a different images from what she have before she jumped to the river.
Ayoko na sa buhay na meron ako ngayon. Si Hae Soo man ako o si Ha Jin. Gusto ko ng makalaya sa bangungot na ito. Ano man ang naging kasalanan ko bilang si Hae Soo o si Ha Jin, ayoko ng maalala pa ang lahat.
And with a flash, she was again standing there in the bridge where she jumped a while ago. She saw someone else on the river.
"Ikaw pa rin iyan."
She look at the man who's wearing an all black suit with a hat.
"Sino ka?"
"Ikalawang buhay mo na iyan." At itinuro nito ang kanyang katawan na nakalutang na sa tubig.
"Ikaw ba ang tumawag sakin bago ako tumalon?"
"Ikaw lang ang tao dito. Well, isa ka na ngayong kaluluwa."
"Makakabalik pa ba ako?"
"Akala ko ba ayaw mo ng maalala ang lahat sa buhay na ito?"
"Sabi mo, pangalawang buhay ko na ito. Ibig sabihin may pangatlo, pang apat, pang lima pa. Pwede ko pang baguhin ang buhay ko diba?"
"Kung babalik ka, ikatlong buhay mo na. May tatlo lamang tayong pagkakataon para mabuhay. At ang sa iyo, huling pagkakataon mo na kung gusto mong bumalik. At oo, pwede mo pang baguhin ang buhay mo."
"Pwede mo bang sabihin sakin kung ano nga ba ang naging buhay ko nung una kong pagkakataon na mabuhay?"
"Katulad ng naging buhay mo, magpinsan kayo ni Hae Rin at asawa niya si Wook. Minahal mo si Wook noon pero di tulad ng naging relasyon niyo ngayon. Kung gusto mong malaman pa, maaari kitang tulungan. At kailangan mong sumama sa akin."
Ngunit bago sila makaalis, isang lalaki ang dumating roon.
"Sino siya?"
Ngunit hindi na kailangan pang sagutin ng lalaking nakaiitim ang tanong niya.
"Even in this life, we can't still be together." At tumalon iyon at kinuha ang kanyang katawan na wala nang buhay. "Hae Soo, hindi mo man lang ako nakuhang hintayin."
"Kailangan na nating umalis."
"Sandali lang. Pwede bang...hanggang sa marinig ko ang mga sasabihin niya?"
"Hindi na kailangan. Patay ka na at iiwan mo rin siya."
"Hindi ba pwedeng bumalik na lang ako?"
"Huli na ang lahat. Dalawang oras ka ng walang pulso. Malamig na rin ang katawan mo. Hindi ka na makakabalik pa tulad ng dati. Kailangan na nating umalis."
At bago pa sila maglaho sa lugar na iyon, nakita niyang hiniwa ng lalaking iyon ang pulso nito sa kamay at nagpakalunod.
Kasabay ng pagkabigla sa mga nangyari ay ang pagiiba ng lugar na kinaroroonan niya.
Pumasok sila sa pintuan at nakita niya ang napakalinis na paligid.
"Upo ka."
Umupo siya at tinanong kung sino ito. "Ako ang Grim Reaper."
"Ikaw? Taga-sundo ka ng mga patay?"
"Oo. Iyon ang trabaho ko. Inumin mo ito."
"Salamat pero hindi ako nauuhaw. Saan ako pupunta?"
"Inumin mo na muna iyan. Makakatulong yan para makalimutan mo ang lahat."
"Pero---" May ibinigay itong sulat sa kanya.
"Sulat iyan ni Hae Soo para sa iyo."
"Ikaw din ang sumundo sa kanya?"
"Oo. At pangalawang beses na ito. Basahin mo na muna iyan."
"Hindi na kailangan. Kung ano man ang nakasulat dito, paniguradong hindi ko naman nagawa iyon tulad ng gusto niya."
"Inumin mo na iyan"
"Bago iyon, gusto ko munang malaman ang naging buhay ni Hae Soo."
Wala itong nagawa kundi umupo roon at sabihin dito ang mga nalalaman niya kahit pa labag iyon sa batas nilang mga Grim Reaper.
"Ang lalaking nakita mo kanina ay ang lalaking minahal niya hanggang sa kanyang kamatayan."
"Akala ko ba si Wook ang mahal niya?"
"Asawa siya ng pinsan mo. At nang mamatay ito, hindi naging madali ang lahat sa inyo ni Wook dahil kailangan nitong mamili. Ikaw o ang pagiging hari. Tinalikuran ka niya at si So lamang ang may lakas ng loob na sumalo sayo kahit na alam nitong una pa lang ay iba ang mahal mo."
"Tama pala si Soo. Dapat pala ay hindi ko minahal si Wook. Pero nang malunod ako at nabuhay muli, wala na akong maalala."
"Dahil pinili mong wag maalala ang mga nangyari sa iyo."
"Wala akong pinagsisisihan na nagpakamatay ako."
"Inumin mo na iyan. Sinabi ko na sa iyo ang dapat mong malaman."
Ngunit hindi alam ni Hae Soo na hindi pa ito ang pagkakataon para siya ay mabuhay muli.
Matindi ang naging kasalanan nito. At alam ni Grim Reaper na magiging katulad din niya ito.
Ininom ni Ha Jin ang inuming ibinigay sa kanya.
Itinuro ni Grim Reaper ang daan palabas. At may naghihintay sa kanyang dalawang matandang lalaki at sumunod siya sa mga ito.
©HallyuStar
YOU ARE READING
The Love That Is Never Ours [R18]
FanfictionMoon Lovers: Scarlet Heart Ryeo Fan Fiction Fan made story based on the korean historical drama. I do not own the story plot and the characters. I made this story out of frustration because of each characters' fate in the drama lol ©HallyuStar