Chapter 1: First Day in New School

130 4 0
                                    

ZANRO

Nakatitig lang ako sa mukha ng isang guro na salita ng salita sa harap ko. Pwede namang sabihin niya nalang sa isang pangungusap ang balak niyang sabihin, maiintindihan ko naman kaysa dadagdagan niya pa ng maraming pang-uri, pang-abay, pandiwa at iba pa. Hindi nalang ako sumasagot at tango lang ako ng tango kahit hindi naman kailangan.

"Zander Alvaro Andrada, are you listening?!" Sigaw ng guro sa harapan ko.

"Yes....Sir...."

"Since you haven't reach the average 88, you are now removed from the Science Section. The faculty staff discussed that you should be removed since you're always absent and don't take the classes seriously when you are present. Alam mo bang asdfghjklzxcvbnmqwertyyuioop"

Why does he have to repeat it again? I've never liked to be in that section anyway. Since I was bored during the entrance exam, I surprisingly have passed and I regret it. I guess this is the right time to talk, I took a deep breath and proceed.

"Can I interrupt you, Sir?" He stopped talking then he gave me a confused look. "I'm so sorry if I did not tend to follow the number system that your school is following. Para sa akin ang numero ay isang numero, hindi nito masusukat ang katalinuhan ng isang tao. And don't waste your saliva for me because I'm not your student anymore." I smirked and continued walking going out to the campus. "I am just here to say goodbye because I'm tranferring."

Lumabas na ako sa main gate at pumasok ako sa isang kotse.  I called the grading system as 'number system', Hindi ko naman talaga alam kung ano ba talaga ang tawag doon pero tatawagin ko Ito sa gusto ko. Narinig kong nagbuntong-hininga si Mama dahil sa wala man lang akong reaksiyon na pinapakita. Siguro kapag iba ang nasa sapatos ko ngayon, humahagulgol na sila ngayon dahil sa kahihiyan na naramdaman nila. Pero para sa akin? Wala akong pakialam doon. Napakawalang kwenta magpaka-aso sa number system na yan.

"Zanro please! Magseryoso ka naman na. Nakailang school ka na oh."

Umiling nalang ako. Gusto niya bang magpaka-aso ako sa number system? I can perfect all those subject if I like to.

"Please be a good model, you're the eldest. Please do it for me, please be serious at your studies." Hinawakan ni Mama yung kamay ko.

Sabi ko na nga ba, Nagbuntong-hininga na naman ako. "Fine." Kung para kay mama gagawin ko ang lahat.

***

"Goodluck on your, first day of school!" Sigaw ni papa.

"Zanro at Zia, magpakabait kayo! Goodluck!" Sigaw naman ni Mama.

Bumaba na kami ng kapatid ko at kumaway kami hanggang sa umalis na yung kotse. Oo kasama ko ang kapatid ko, nasa iisang eskwelahan kami. Isang taon lang ang agwat ng taon namin pero Grade 8 siya at Grade 10 ako.

Humarap yung kapatid ko sa akin. "Anong pumasok sa isip mo at lumipat ka dito? Bawal ang panget dito!" bulalas niya.

"Oh bakit ka nandito? Takot ka lang na baka mahuli kitang nanlalandi."

Namumula na siya sa galit, siya naman ang nauna.

"I HATE YOU KUYA!" Binangga niya ako sabay takbo papasok sa main gate hanggang sa nakarating siya sa catwalk.

Tss.

Sabi nga nila, sa isang Tao merong silang tatlong personalidad. Una, yung ipinapakita nila sa harap ng kaniyang pamilya. Pangalawa, yung pinapakita niya sa ibang tao. At ang pangatlo, yung pinapakita niya sa sarili, ang pinakatotoo at nakakatakot na ugali. Kaya huwag kayong magtaka kung bakit ako ganoon umasta sa harap ng kapatid ko, ganoon din ako kina Mama medyo madrama lang yung nasaksihan niyo kanina.

Sinundan ko yung daan kung saan tumakbo yung kapatid ko kanina. Pumasok na ako sa main gate. May dalawang main gate, gate para sa amin at gate para sa mga kotse. Pumasok na ako at sumalubong sa akin ang catwalk na may mga estudyante na nakatambay lang. Anong oras na ba?

<7:00am>

Maaga palang pala, 8:00am ang simula ng klase kaya maglilibot nalang muna ako. Habang naglalakad ako sa catwalk napansin kong nagbubulungan sila habang tinitignan ako. Nalaman ba nilang transferee ako? Ang bilis naman ata?

'Transferee, siya ano?'

'Oo yata, nakuuu! Anong naisip niya at dito siya sa A.D.U. nagtransfer??'

'Ang gwapo niya beh!'

'Pwede ko siyang isali sa grupo natin, mukha siyang pwede sa bugbugan'

'Kaso mukhang suplado'

Umiling nalang ako at binilisan ang paglakad. Ito ang pinaka ayaw ko ang maka-agaw ng attensiyon. Pumasok na ako sa school building at hinanap ko yung locker ko. Nang mahanap ko yung locker ko biglang may tumawag sa akin.

"Transferee!"

Sumalubong sa akin ang isang lalaking medyo matangakad sa akin. Senior ata siya.

"Zander Alvaro Andrada, right?"

Tumango ako.

"Hindi mo daw nakuha yung libro kaya inutusan akong papuntahin ka sa library."

"Sige." Tipid kong sagot.

***

Matapos kong kunin yung libro ko sa library lumabas muna ako sa school building at pupunta sa likod baka sakaling makahanap ako ng magandang pwesto habang naghihintay mag-alas otso.

May nakikita akong isang greenhouse. Hindi ito isang pangkaraniwan na greenhouse, may kalakihan siya, nagmimistulang isang gymnasium ang laki niya.

Hindi nakalock yung pintuan kaya nakapasok ako.

I was amazed when I got in. Katulad nga ng ineexpect sa isang greenhouse, maraming halaman. Meron pang mga paru-paro na nagliliparan. I took out my camera and started capturing some things at syempre kailangan Kong i-silent mode to keep myself safe.

I like photography, it doesn't sound like a gay right? I find this interesting than girls. Napalingon ako sa isang halaman, bakit itinatanim yan dito. Pinicturan ko Ito. Isn't this da---

Napatigil ako sa pagmuni-muni dahil narinig kong bumukas yung pinto. Binilisan kong magtago, hindi ko alam kung saan ako dinala ang paa ko.

May pumasok na isang lalaki. Naka-eyeglass, nakamask at mukhang mas bata sa akin. Nakagloves din siya at lumapit siya sa isang halaman.

"Ang tagal din kita hinintay tumubo." Narinig kong sabi niya. Why would he plant a poisonous plant in here? ang alam ko hindi dapat sila nagtatanim ng ganiyang halaman dito.

Kusang gumalaw yung kamay ko at pinicturan siya. Dinidiligan niya yung halaman. After niyang diligan umalis na siya at nilock yung pinto ng greenhouse.

So I am now locked in.

What do I do now?

"May alam akong lusutan, pwede tayong lumabas doon."

~*~*~*~

A/N: It took me one month to finish this. Paiba-iba isip ko eh~ Kung may grammatical errors naman, sorry nalang. Hindi naman kasi ako perpekto ahahahaha. Maeedit din yan kapag sinipag akong ireread 'to haha.

Sino kaya ang taong kasama ni Zanro na natrap sa Greenhouse? Yung lalaki ba na minamatyagan niya kanina o iba?

Abangan niyo ang susunod para malaman ang kasagutan ^^

Photography ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon