Chapter 4: Amnesia
[ERAINE]
Nagising ako ng may malakas na tunog na bumulabog sa may labas ng bahay...bahay?
Dumilat ako at nakita ang isang puting dingding na maraming mga painting at litrato na nakadikit dito. Malawak at malaki ang buong kwarto. Halos mga limang ako nga ang pwede sa hinihigaan ko. Pansin ko ding puro antique ang mga displays pati design ng bahay at furnitures dito.
Anong bahay toh? I mean, kaninong bahay toh?
Mabilis kong hinawakan ang aking ulo pagkatapos kong umupo sa kama. Ang sakit-sakit nito, mabigat siya na parang binibiyak sa gitna!
Wala akong maalala.
"You turned back didn't you?" Walang buhay kong tiningnan ang isang babae na bigla na lang sumulpot at nagsalita sa may pinto. Hindi ko alam pero hindi ako nagulat sa ginawa niya, parang naramdaman at nahulaan kong dadating siya.
But, what did she mean about me turning back?
Tinitigan ko ang mata niya. Magka-iba ang kulay nito, blue atsaka yellow. Imbis na matakot ay na-amaze pa ako.
"Sino ka?" Wala pa ding emosyon kong sabi. Mukhang nagulat siya sa tinanong ko. Kilala ko ba siya? Bakit ganun yung mata niya? Nasan ba ako?
"Ako si Rei, hindi mo ba natatandaan? Ako yung nakita mo sa harapan ng gate dati..." kunot noo niyang tanong. I tilted my head sideways. My mind feels empty.
"Ah..." sinabi ko na lang atsaka tumango konti. "Nasaan ako?" Sunod kong tanong. Lumapit siya sa hinihigaan ko at umupo sa may dulo ng kama.
"Sa mansion ng mga Warron. Yung mansion na ayaw kitang papasukin..." her voice faded at every word. "The mansion you shouldn't see...nandun ka ngayon." Tuloy niya.
Sinabayan ko ang kunot ng noo niya. Anu bang pinagsasabi ng babaeng toh?
"What do you mean I shouldn't see or bakit ayaw mo akong papasukin? And who's Warron?" Sobrang wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Ang gulo. Dagdag mo pa ang sakit ng ulo ko.
"Wala. Basta. It's complicated. Si Warron ay yung nagdala sayo dito kagabi." Tumango ako. Baka kapag nagsalita pa ako ay mahimatay na ako. Sumandal ako at pumikit.
"O sige, iiwan na kita. Tumawag ka lang kung may kailangan ka." Sabi niya. Tumahimik bigla kaya dumilat ako. Wala na siya sa kwarto. Sobrang tahimik ba ng mga pinto dito at hindi ko man lang narinig ang paglabas niya?
Grabe hindi ko man lang naamin na wala akong maalala. O kung bakit magka-iba ang kulay ng mga mata niya. Or about what she said about me turning back.
Pinilit kong tumayo habang hawak hawak ang ulo ko. Sobrang sakit talaga. Ang bigat na din ng katawan ko at muntik pa nga akong matumba pagka-tapak ng dalawa kong paa sa sahig, buti na lang at napa-hawak ako agad sa isang painting na naka-sabit.
Tiningnan ko ang litrato na kinapitan ko at awtomatikong kumunot uli ang noo ko.
Ang weird ng naka-pinta dito, parang mosaic na ewan. Mostly black at red ang mga kulay na naghahalo-halo. Pero hindi iyon ang naka-kuha ng interes ko, ang kakaibang bulaklak sa gitna ng painting ang pumukaw ng tingin ko. Kulay dilaw ito at parang bawat segundo na tumatagal ay makikitang lumiliwanag ito.
Ang nagiisang bulaklak sa malawak na kawalan.
Umiling ako at tumingin sa mga posibleng labasan sa kwarto, maliban na lang sa pinto papalabas ng hallway. Mayroong 2 pinto sa kaliwa na mukhang closet at banyo. Tapos 3 malalaking bintana na babasagin. Sobrang antique talaga ng design ng mga iyon. Luma ang itsura pero maganda at maayos. Parang kahapon lang ata ginawa.

BINABASA MO ANG
Captured by Her Eyes: The Obsession
Fantasía[TAGLISH] SHE knows she's different. She can time travel. HE is the last of their kind. The rarest, a half werewolf and half vampire. Eraine Friswoods and Iou Warron. The hunter and the predator.