Reid’s POV
Nagsimula na ang klase namin pero ka distracted pa rin ako. Palingon-lingon ako kay Krystal na tahimik lang na nakikinig sa professor namin. Akalain mo 'yon? Kapatid niya pala yung sikat na artista at singer na si Jessica?
Ako nga pala si Reid Villaraza, 17 years old. Freshman sa Seiran University. Private school itong pinapasukan ko pero hindi ako mayaman. Kahit nung high school pa lang ako, sa private school din ako nag-aaral. Dahil lang iyon sa academic at athletic scholarship.
Hindi ko naman nararanasan na i-bully ng mga kaklase kong mayayaman dahil mahirap ako. Wala rin naman akong pakialam sa kanila kung sakali. Hindi ko naman kasi ugaling pumatol sa kung sino-sino. Hindi ako basagulero at naniniwala akong madadaan ang lahat ng bagay sa diplomasya. Minsan lang akong nakipag-away sa buong buhay ko, yun ay yung niligtas ko si Jessica noong bastusin siya nung mga tambay nung summer.
**FLASH BACK**
“Reid, bumili ka ng maiinom natin. Malapit ng maubos yung coke.” Utos ng Papa ko.
“Okay po.”
Nasa beach kami. Summer, eh. Sinulit na namin dahil minsan lang naman kami mamasyal ni Papa. Busy kasi siya sa trabaho, eh. Empleyado siya sa kompanya ng best friend kong si Klint Tan.
“Sama ako.” Si Klint.
Eto, sabit nanaman samin ni Papa. Wala daw kasi siyang kasama sa bahay kasi busy daw ang mga ito sa trabaho at bored na bored na si Klint.
First year high school palang, magkakilala na kami ni Klint. Yung pamilya niya ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa private high school na pinasukan ko. May scholarship program kasi ang kompanya nila para sa mga anak ng empleyado na deserving at isa siya sa mga napili.
“Nakapasa ka ba sa entrance test ng Seiran?” tanong niya sakin. “Mukhang bagsak yata ako doon? Haha! Nakatulog kasi ako.”
“Sira ulo ka talaga,” napailing nalang ako. Abnormal talaga tong si Klint. Hindi talaga nito ugaling mag-aral. Palibhasa mayaman, eh. Pero kung magseseryoso lang siya? Mas matalino pa sakin tong bwisit na 'to, eh. Tamad lang talaga. “Oo, nakapasa ako. Anak ka ng tokwa, Klint. Kapag nalaman yan ng Papa mo, lagot ka nanaman.”
“Sus, wala namang panahon yon para sakin. Mga business partners niya lang ang binibigyan niya ng panahon. Si Mama naman, wala rin yung pakialam. Busy din yun sa pagpapatakbo ng school niya.”
Ah, oo nga pala. Bakit ba hindi ko naisip agad? Sila Klint nga pala ang may-ari ng SU. Pero yung Mama niya ang original na may-ari kaya kahit hindi makapasa si Klint sa entrance exam, sure pa ring doon ito mag-aaral.
“Ah! Ano ba?! Bitiwan niyo nga ako!”
Nakakunot-noong nilingon namin yung pinanggalingan ng boses. Nakita namin yung babae na pilit tinatanggal yung hawak ng tatlong lalaki na nangharang sa kanya. Napailing nalang ako. Paano ba naman hindi babastusin ng mga ito ang babae? Naka-two piece lang ang babae at medyo revealing pa ang mga iyon kahit halatang menor de edad pa lang ito.
“Miss, wag kang suplada. Date lang naman, eh. Ikamamatay mo ba yon?” sabi ng isa na mukhang pinaka-leader ng tatlo. Mohawk ang style ng buhok nito.
“Yung date, di ko ikamamatay. Pero yung hininga mo, oo!”
Napailing uli ako. Kita mo tong babae na to. Ang liit-liit, ang tapang-tapang. Binabastos na nga, nagmamaldita pa.
“Abat! Gago pala tong babae na 'to, eh. Pulaera, pre! Kidnapin na natin?” sabi ng lalaking kalbo.
“Gago! Makukulong tayo kapag kinidnap natin to. Ibahin mo yung term para hindi tayo makasuhan. Ano nalang… ah… iimbitahin nalang natin siyang sumama satin sa ayaw niya at sa gusto.” Sabi nung ikatlo na mahihiya ang mga KPop artist sa hairstyle nito.
BINABASA MO ANG
MISSENT
Ficción GeneralNaranasan mo na bang maging laging second best? “Stop belittling yourself. You’re much more you can imagine.” - Reid Villaraza Story Started: March 5, 2014 © Himitsu_Naishou