NARRATOR'S POV
Isang maaaliwalas na umaga ang nakabungad para sa lahat ng mga estudyante ng Ward academy at shirin University. Maaamoy ang mabangong paligid dahil sa mga mayayaman na dumadalo at nagdadatingan sa pagdarausan ng first part ng sportsfest, sa Ward academy.
Naging makulay at elegante ang quadrangle dahil sa pag-aayos ng mga faculty members ng ward at hindi naman maikakaila ang kagandahan ng decorations sa mga classrooms na pinuri mismo ng mga judges na dumalo. Kasing-linis naman ng puting tela ang mga bleachers na white na kinabitan ng mga pulang tela ang makikita sa gymnasium. Wala ring patawad sa ganda ang stage na inihanda ng mga estudyante na talagang hinangaan ng mga bisita.
Bagaman sportsfest ang idaraos dito ay hindi nawalan ng "class" ang kapaligiran ng mga elites. Kitang-kita ang pagiging artistic ng mga estudyante lalo na ng mga umasikaso sa gymnasium. Kaya naman kabi-kabila ang pagpuri sa mga estudyanteng nag-aaral sa lugar na ito.
Abot hanggang tenga naman ang ngiti ng mga Ward students dahil sa mga magagandang pahayag na kanilang naririnig, gayon din ang ilang mga Shirin students na kasama sa nag-ayos ng venue na ito.
Ngunit, hindi pa rin naiwasan ng bawat isa na ungkatin ang pinakabagong trahedya na nangyari sa Ward academy student, President of the student council, Alec Mauricio. Isa sa mga pinakamatatalinong estudyante na nagbigay karangalan sa paaralan, namatay dahil sa puno ng saksak sa tiyan.
Maraming spekulasyon ang maririnig ukol sa mga pangyayari. Ngunit minabuti pa rin ng karamihan na manahimik sa kadahilanang kailangan munang mairaos ng matiwasay ang sportsfest.
Mabilis na natapos ang imbestigasyon ng mga pulis bago pa mismo ang okasyon sa paaralan dahil na rin sa malinis na pinangyarihan. Bukod walang CCTV ang naka-on sa mga oras na yon ay dalawa laamang ang nakakakita sa katawan ni Alec.Hinihintay na lamang ng mga pulis ang pahintulot ng mga Ward na ilabas sa media ang resulta ng mga pangyayari.
--
JACOB'S POV
Mamaya pang alas tres ang basketball, pero maaga nakong dumating dito. Masyado naman kasing napaparanoid si mama, kaya umalis na agad ako, Hindi ko na rin hinintay si Jaranaya dahil kaya naman na niya.
Pumunta ako sa locker room para ilagay ang mga gamit ko sa locker. Hinanda ko ang mga gagamitin ko mamaya at nang matapos ako ay dumiretso agad ako sa canteen.
Marami ng tao, ang alam ko, may special number ang mga pilot section ng Shirin mamaya sa stage. Kaya minabuti kong mag-almusal muna.
Hindi ko maiwasang hindi manlumo ngayong araw na to. Maraming gumugulo sakin. Parang hindi na ako tulad ng dati, Tapos si Nicolai, hindi man lang ako kinamusta at hindi man lang sya tumawag o nagtxt man lang. Ewan ko ba kung magagalit ako o hindi.
Nakakalito na.
Naguguluhan ako.
Nang umupo ako sa table ay naalala kong di pa pala ko nakaorder, akmang tatauo na ako nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"GoodMorning Jacob :) "
Yan na naman siya, Ewan ko ba kung bakit siya laging nandito. Lagi niya kong nilalapitan. Ayaw ko sa kanya. Hindi siya mabuti para sakin.
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko, at tumayo na ako. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ko sa line.
"Ang sungit mo pa din. May utang na loob ka kaya sakin."
Hindi pa rin ako kumibo. Wala akong utang na loob kahit kanino.
"Hm nagkita na kayo ni nicolai?"
BINABASA MO ANG
THE SILENT TRANSFEREE
Teen FictionA story about senior royalties who are connected with the silent transferee who holds and changes their lives.