02.

13 1 0
                                    

[Symonne]

"Happy 21st Anniversary, Mama at Papa!" sabay naming bati ni Kuya Sander.

"Thank you, mga Anak. Mahal na mahal ko kayo pati ang Mama niyo," masayang sabi ni Papa habang niyayakap kami ni Kuya. Si Mama naman nasa kitchen island lang, masayang nakamasid sa amin habang naghihiwa ng cake.

Twenty-one years na silang nagsasama bilang mag-asawa.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin ako sa mga magulang namin. Ang sweet-sweet kasi nilang tingnan habang nagsusubuan ng cake. Para silang newly wed na nasa stage ng honeymoon. Kahit ilang years na silang nagsasama ay hindi pa rin talaga kumukupas ang pagmamahal nila para sa isa't isa.

Natawa ako nang maya-maya ay biglang pinahiran ni Mama ng icing si Papa sa ilong. Ang epic kasi noong expression ni Papa, para siyang nagulat na ewan sa ginawa ni Mama. Tapos maya-maya pa ulit, si Papa naman ang nagpahid ng icing sa pisngi ni Mama. Then pagkatapos noon, bigla na lang silang naghabulan na parang bata sa loob ng kusina habang tumatawa.

Pfft. Para silang mga teenager.

Napailing na lang ako. Gusto ko sanang sabihin na para silang teens na nagliligawan pa lang kung umasta. Pero hindi bale na. Tutal masaya naman akong panoorin silang sweet na sweet sa isa't isa, e. Isa pa, anniversary nila kaya sino ba naman ako para sirain at hadlangan ang sweet moments nila?

Ibinaling ko sandali ang atensyon ko kay Kuya. Nakatingin rin pala siya sa mga magulang namin. At tulad ko, natatawa rin siya sa mga pinaggagagawa nila. Well, sino bang hindi? Kahit sino naman na makakita sa kanila ay siguradong matatawa.

"Kuya," tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot ni Kuya nang hindi lumilingon sa akin.

"Ang sweet nila, 'no?" masayang tanong ko.

"Oo. Sa sobrang sweet nila, dinaig pa nila 'yong icings na nagkalat na sa kung saan-saan," pagsang-ayon niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Then noong ibinalik ko nang muli ang atensyon ko sa mga magulang namin, nanlaki ang mga mata ko kasi sobrang daming icings na nga ang nagkalat sa kung saan-saan. Mayroon sa dinding pero mas madami sa sahig. Nalingat lang ako sandali, e.

"Para silang mga bata," komento ko. "Pero tingnan mo naman si Papa, Kuya, oh... Obvious na obvious talaga na mahal niya si Mama."

"Mahal na mahal talaga," walang ekspresyong sabi niya. Basta nakatingin lang siya sa mga magulang namin. "E, si Mama, tingnan mo... Halatang kilig na kilig naman sa mga pinaggagagawa nila."

Humalakhak ako sa sinabi ni Kuya. Wala lang, basta natawa lang ako. Nakakatawa lang kasi talaga.

"Oo nga, e," sabi ko na lang.

Nang mapagod sa pagkukulitan ang love birds, naupo sila doon sa kitchen island tapos bigla na lang niyakap ni Papa si Mama. Tumatawang ginantihan naman ng yakap ni Mama si Papa. Tapos maya-maya bumitaw sila sa pagkakayap nila sa isa-t isa. Nagtitigan lang sila hanggang sa i-pat ni Papa iyong ulo ni Mama nang tatlong beses.

Gestures na ginagawa lang ng matatanda para sa mga bata, pero ganoon pa man, I found it very cute and sweet. Para bang iyong pag-pat ni Papa sa ulo ni Mama nang three times ay ang sign ng walang hanggan nilang pagmamahal para sa isa't isa. Ang Mama't Papa ko ang buhay na patunay na talagang may forever.

"Kuya," tawag ko ulit habang ang atensyon ay nasa mga magulang pa rin namin.

"Hmm?"

"Ano'ng ibig sabihin ng pag-pat ni Papa sa ulo ni Mama?" curious na tanong ko.

"I love you," simpleng sagot niya.

AND IT'S ALL BECAUSE OF BLUEWhere stories live. Discover now