05.

16 0 0
                                    

[Symonne]

You look cute when you're nervous...

Makailang ulit kong ipinilig ang aking ulo. Mula pa nang nagdaang araw ay hindi na maalis sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Blue. Parang mababaliw na sinampal-sampal ko ang mga pisngi ko.

Hays, naman, Blue! Umalis ka na sa utak ko, please!

Hindi ko tuloy masimulan iyong dapat na gagawin ko. Ilang oras na ba akong nakaharap sa laptop ko? Gash! Wala akong maisip na topic para sa essay ko! Ano ba naman itong nangyayari sa akin? Come on, Symm! Make yourself productive. Tigilan mo na ang pag-iisip kay Blue!

Ilang minuto pa ang lumipas at maya-maya ay nanghihina kong isinara ang laptop ko. Tinanggap ko nang wala akong magagawa sa alinmang nakabinbin na projects and homeworks ko ganoong hindi nag-f-function nang maayos ang utak ko dahil na rin kay Blue. Nagkakamot ng ulong tumayo ako at lumabas ng room ko. Ikakain ko na lang siguro 'to!

Marahan akong bumaba ng hagdan habang ka-text si France. Nasa huling baitang na ako nang makita ko si Kuya na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa. Panay ang halakhak niya habang kumakain ng chips. Kumunot ang noo ko-

"Kuya!"

Gulat na napalingon siya sa akin.

"Problema mo?" may pagtatakang tanong niya. "Sinasapian ka na naman?" dagdag tanong pa niya na sinamahan niya nang nakakaasar na halakhak.

Patakbo akong lumapit sa kanya at mabilis na hinablot ang chips na hawak niya.

"Akin 'to! Bakit nangunguha ka na naman ng 'di sa 'yo?" nayayamot na reklamo ko.

"Ano'ng sa 'yo? Bakit? May nakalagay bang Symonne Grace diyan?" tanong niya sabay agaw pabalik ng chips. Dumukot siya ng ilang piraso saka smug na nginuya ang mga ito. "Saka parang chips lang nagpapakilala ka," tumatawang sabi pa niya.

Gigil na binato ko siya ng throw pillow na nadampot ko.

"Nakakaasar ka talaga! Seventy pesos 'yan, ha! Bayaran mo!"

Nagdadabog na pumunta ako sa kusina. Nakakainis talaga ang isang 'yon!

Pagdating ko ng kusina ay naghanap kaagad ako ng maaari kong kainin, suwerte naman at may stocks pa kami ng loaf bread. Kinuha ko sa kitchen cabinet ang paubos nang Nutella at sinimulang palamanan ang ilang mga tinapay. Maya-maya ay binuksan ko ang refigerator para kunin naman ang isang liter ng Chuckie.

"Mabuti na lang at 'di 'to ginalaw ni Kuya," sabi ko sa sarili. Dahil kung nagkataon? Ay, talagang warla kami today!

Inuumpisahan ko nang kainin ang Nutella sandwich ko nang biglang tumunog ang aking phone.

Si France! Hindi ko nga pala siya na-reply-an dahil nadistract ako kay Kuya.

From: France

Bored aketch. Mall naman tayo.

To: France

Gaga ka! Dami kayang assignments and projects. Mall-mall ka pa d'yan!

From: France

Mas gaga ka! 'Di naman tayo magdamag du'n!

To: France

Bakit? Libre mo ba?!

From: France

Alam mo, Gracia, kung mayaman lang ako, pinag-aral pa kita! Tara na kasi!

Natatawang inubos ko ang natitirang sandwich bago ulit nag-reply.

To: France

Oo na, oo na! Kuripot mo talaga! Daanan mo na lang ako rito sa bahay. 2 PM. Later na lang, vaklah!! Bye!

AND IT'S ALL BECAUSE OF BLUEWhere stories live. Discover now