04.

7 1 0
                                    

[Symonne]

"Okay, that's all for today. See you next Friday. Class dismissed."

Mabilis na nagsitayuan at nagsilabasan ang ilan sa mga classmates ko. Ako naman, kinalikot ko kaagad ang iPhone 6 ko para i-check kung na-seen na ba niya or not iyong message ko pero mabuti na lang talaga at hindi pa. Medyo nakahinga ako nang maluwag.

Malalim akong napabuntong-hininga. Kasalanan talagang lahat ito ni Kuya! Kung bakit ba naman kasi bigla-bigla na lang siyang pumasok sa loob ng kuwarto ko. Iyon pala, may i-uutos na naman siya sa akin na originally ay inutos sa kanya ni Mama at ipinasa lang niya sa akin dahil may gagawin daw siyang mahalaga. Hay naku lang talaga!

Tumingin ako sa doraemon wristwatch ko at mabilis na ipinasok ang phone sa sling bag ko saka lumabas ng room at diretsong naglakad papuntang gym. Nandoon kasi si France, sabi niya sasabay daw siya sa pag-uwi. Ang baklang iyon, hindi pumasok ng last subject para manood lang ng basketball practice ng crush niyang si Vince!

May mangilan-ngilang estudyante ang nanonood sa practice nang makarating ako sa gym. Kaagad kong hinanap si France at nakita ko siyang nakaupo sa pinaka-unahang bleacher kung saan nandoon ang mga gamit ng players. Mabilis ko siyang nilapitan at hinampas ng sling bag ko.

"Ouch!" malanding sabi ni France na may pag-irap pang kasama nang makita ako. "What's that for?"

"Ang landi nito! May pa-english-english ka pa! Tara na," yaya ko sa kanya.

"Wait lang, bes! Tapusin na natin 'to!" sabi niya saka nakapangalumbabang ipinagpatuloy ang panonood.

"Hay naku," nakangusong sabi ko habang hinihila-hila ko iyong kaliwang tenga niya. "Tara na, badeng!"

"Stop it, Gracia. Maupo ka na lang diyan at manood," sabi pa niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Alam mo namang hindi ko hilig 'yong mga ganito," walang ganang sabi ko na ang tinutukoy ay ang panonood ng basketball. Tumingin-tingin ako sa paligid tapos doon sa mga babaeng nagkukumpulan habang may hawak-hawak pang banner na ang nakalagay ay "We Love You, Patrick!" at medyo napangiwi pa ako noong marinig ko silang mag-chant na animo ay mga babaeng nag-c-cheer para kay Rukawa ng Slamdunk.

Seriously, hindi ko talaga hilig ang basketball. Bukod sa shooting, free throw, travelling, passing at foul, wala na akong ibang alam sa basketball. Hindi ko nga alam kung paano laruin, e. Saka ang boring ng larong basketball para sa akin.

Kahit si France, wala namang alam iyan, e. Nandito lang siya para kay Vince at hindi para sa basketball. Walang ganang umupo ako sa tabi niya. Kilig na kilig si bakla kaya naman hinanap ng mga mata ko ang lalaking pinapantasya niya. Nasa akto namang mag-sushoot ng bola si Vince with matching flex ng muscles pa habang sige naman sa paimpit na pagtili si France. Napailing-iling ako.

Okay naman si Vince. Kaya lang hindi ko maappreciate iyong looks niya. Though may abs. Pero hindi siya guwapo. Hindi rin siya cute. Abs lang ang mayroon siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit humaling na humaling si France sa kanya.

Mas guwapo at cute pa nga si Blue kung tutuusin.

Wait, what?

Pasimple akong pumikit at sinampal ang sarili ko. Ano at nadamay na naman iyong nananahimik na tao? Ano ka ba naman, Symm? Sa dami ng lalaki, bakit siya pa iyong pumasok sa isip mo? Sobra ka bang affected sa nangyari at hindi ka makamove-on? Tumigil ka na para sa ikabubuti mo.

Umiling-iling ako at may padutdot-dutdot pa sa noo para mas makatotohanan.

"Ano'ng drama mo, Gracia?" kunot-noong tanong ni France. "Ano't may pailing-iling ka pa diyan?"

AND IT'S ALL BECAUSE OF BLUEWhere stories live. Discover now