A/N: Hi, guys! This is my first ever story sa account na 'to, kaya sana ay suportahan niyo ako. Hahaha.
[Symonne]
"You're the light, you're the night. You're the color of my blood. You're the cure, you're the pain. You're the only thing I wanna touch. Never knew that it could mean so much, so much," bigay-todo kong kanta habang ginagaya ang hot na hot na steps ni Zeus at Dawn ng PBB sa saliw ng kantang Love Me Like You Do ni Ellie Goulding.
Alas onse y media na nang Sabadong iyon ngunit tinatamad akong bumaba ng kuwarto. Iniiwasan ko kasi si Mama dahil siguradong uutusan na naman niya ako oras na malaman niyang kanina pa ako gising at wala akong ginagawa dito sa loob ng kuwarto ko kundi ang sumayaw lang at kumanta. Hindi naman sa ayaw ko ng inuutusan ako, hindi ko lang talaga feel kumilos ngayon. Ayaw ko ring lumabas ng room ko kasi sira iyong air-conditioner sa baba, siguradong pagpapawisan lang ako.
"So love me like you do, l-l-love me like you do. Love me like you do, l-l-love me like you do. Touch me like you do, t-t-touch me like you do... What are you-"
"Symonne! Ano ba'ng ginagawa mo? Kanina ka pa- Pffft-"
Gulat akong napalingon sa may pinto nang biglang bumukas iyon at pumasok nang walang pakundangan ang asungot kong kapatid. Napapahiyang napatigil ako sa pagkanta at pagsayaw ko.
Leche! Nahuli ako sa akto!
Nakatakip iyong mga kamay ni Kuya sa bibig niya habang pulang-pula ang mukha nang dahil sa pagpipigil niya ng tawa. Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin.
"Sige. Tumawa ka na, Kuya. Baka ma-tae ka pa d'yan!" naiinis kong sabi sa kanya. As if on cue, tumawa nga siya nang tumawa. Iyong tawang parang wala ng kinabukasan tapos nakahawak pa siya sa tiyan niya at may papalu-palo pa sa pintong nalalaman.
Sige, tumawa ka lang hanggang sa maubusan ka ng hininga at nang mawala ka na sa mundo.
"Grabe, Symm! Pffft! Saan mo natutunan 'yon?" humahalakhak na tanong ni Kuya. "Bagong sayaw na ba 'yon ng mga katutubo?"
Ang kapal ng mukha! Sungalngalin ko 'yang ngala-ngala mo, e! Akala mo naman kung sinong magaling sumayaw, e, mas malala pa nga siya sa 'kin!
"FYI, hindi 'yon isang ethnic o cultural dance! Saka kay Zeus at Dawn ko 'yon natutunan!" naaasar na sabi ko habang nakataas ang isang kilay.
"Ah, 'yong sa PBB?" he asked between his laughter. "Hindi naman ganu'n 'yong steps nila, ah! Grabe, Symm. Para kang sinasapian kanina habang sumasayaw ka!" sabi niya tapos humalakhak na naman siya.
Buwisit!
"Puwede ba, Kuya? Lumabas ka na nga! Busy ako." Naiinis na inirapan ko ulit siya. Tumalikod ako at nagkunwaring nag-aayos ng kumot at mga unan sa kama ko. "Saka bakit ka ba nandito?"
"Laughtrip ang putik!"
"Tumigil ka na nga! Nakakaasar ka na, ah!" sigaw ko. Tiningnan ko siya ng masama pero parang balewala lang dahil patuloy pa rin siya sa paghalakhak niya.
Buwisit talaga! Nakakainis!
"Ang sakit ng tiyan ko, Sis! Nakakatawa ka talaga!"
"Bakit ka nga kasi nandito? Ano para mang-asar lang? Naasar mo na ako kaya makakaalis ka na," masungit at naasar pa ring sabi ko.
"Pffft! Sige na nga, hindi na. Titigil na," sabi niya at kunwaring z-in-ipper iyong bibig niya pero halata namang natatawa pa rin siya. Tapos maya-maya, iyon, tumawa na naman siya. "Sorry, Sis. Hindi ko talaga mapigilan, nakakatawa kasi talaga!"
YOU ARE READING
AND IT'S ALL BECAUSE OF BLUE
RomantizmLove begins with just a simple three pats on the head.