[Blue]
"Why did you do that?!" bwisit na bwisit na tanong ko kay Belle matapos naming makasakay ng kotse.
"Did what?" painosenteng tanong niya pabalik sa akin, eyes on her phone.
"Stop it. Alam kong alam mo kung ano'ng sinasabi ko," gigil na sabi ko pa.
"Seriously, Kuya?" boring na tanong niya, still looking at her phone. "Why are you so mad?"
"Please, Belle. You're not a kid anymore. Stop fooling around. Bakit kailangan mo pang isama si Symonne?"
"Omg, Kuya. I wasn't fooling around, alright? Saka hindi ka ba natuwa?" asar na tanong niya pa. This time ay mataman na siyang nakatingin sa akin.
"Natuwa? Why would I?"
"Hello? Nakasama natin si Ate Symm, thanks to me! Weren't you happy?"
Naiiling-iling na tiningnan ko siya.
"You're unbelievable! Hindi mo man lang ba naisip 'yung mararamdaman ni Symonne?"
"Ano'ng mararamdaman?" takang tanong niya.
"If she likes being with us... or me."
"Hmm, let's say she doesn't like you... but at least, she likes me," sabi niya na may ngiti sa labi.
"Be serious, Belle," warning ko sa kanya. "Hindi mo man lang ba talaga naisip 'yung feelings ni Symonne? Hindi mo ba napansin na ang tahimik niya nu'ng kasama natin siya?"
"Kuya, kung anuman 'yung mayro'n sa inyo ni Ate Symm, labas na ako du'n. Kung may ilangan man kayo or what... basta ako, okay kami... and I like Ate Symm so much. I want to spend time with her."
"You're inconsiderate!"
"Kung ayaw talaga ni Ate Symm, 'di siya papayag. Good thing, sumama siya..."
"Look, Belle. I don't want you to meddle with me or Symm on that matter! Do you understand?"
"Understand what?"
"Bell-"
"Bahala ka," naiinis na sabi niya. "Kung talagang alalang-alala ka sa feelings niya, magsosorry na lang ako."
Nagpipindot si Belle sa phone niya at maya-maya ay itinapat ito sa kanyang tenga.
"What are you doing?" kunot-noong tanong ko.
"Calling Ate Symm," sagot niya.
Mabilis kong inagaw ang phone niya at in-end ang call. Then naiinis na tumingin ako sa kanya.
"I just told you not to meddle, bakit mo gagawin 'yun?"
Nagkibit-balikat siya. "Duhh! To say sorry!"
"You are a devil, do you know that?" mahinang sabi ko bago gigil na ini-start ang kotse.
"Or cupid," dugtong niya habang nakangiti.
***
[Symonne]
Tulala akong nakaharap sa washing machine habang hinihintay matapos na malabhan ang jacket ni Blue.
Paano ko kaya ibabalik sa kanya 'yung jacket? Paano ko siya kakausapin?
"Hay, bahala na nga!" pabuntong-hininga kong sabi nang tumunog ang timer ng washing machine. Mabilis kong kinuha ang jacket at nagmamadali ko itong isinampay. Gabi na at medyo late na rin kaya antok na antok na ako at gusto ko nang matulog. Kanina ko pa sana nalabhan 'to kaya lang hindi ko naman maiwan si France.
YOU ARE READING
AND IT'S ALL BECAUSE OF BLUE
RomanceLove begins with just a simple three pats on the head.