4.

2.4K 47 0
                                    

Nagising si Julie na para bang may tumitingin sa kanya, dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata at iniangat ang ulo sa mukha ng lalaking nakangiting nakayap sa kanya

"Goodmorning!" masayang bati nito sa kanya

"Huh? Goodmorning din.." naasiwa siya sa tingin nito, napansin nya ang mga kamay nya na nakapatong sa hubad nitong dibdib

"Naging Komportable ba ang pagtulog mo?" may halong panunudyo na sabi nito

Bigla siyang namula, habang ang mga kamay nito ay masuyong humahaplos sa mga pisngi nya

"Ehm Medyo, Sige" at agad na umalis sa pagkakadagan kay Elmo

nakaramdam ng kahugkangan si Elmo sa ginawang iyon ni Julie

"Magluluto na ako" paalam nito sa kanya

"Sige..maya-maya na ako magluluto para sa akin" malungkot na tugon ni Elmo sa kabiyak,

"Hindi na, ako na magluluto para sa atin" pagksabi non ay tumalikod na sa kanya si Julie

napamaang na tiningnan ni Elmo ang asawa patungong kusina, at unti-unti sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi..

.

.

Simula maganap ang pangyayari nyon, unti-unti na ulit napalapit si Julie kay Elmo, Siya ang nagluluto at naglilinis ng bahay, hindi nya na rin pinakuha si Elmo ng katulong, tutal silang dalawa lang naman ang naroon, Nagtapos siya sa kursong interior design, kaya siya na rin ang nag-ayos ng buong bahay ayon sa gusto nyang mangyari kapag nakapag asawa siya..

Kay Sef dapat ang pangarap na yon...pero bakit parang nalilimutan na nya ito kapag kasama si Elmo?

Masarap kasi kasama si Elmo, makwento ito lalo na pag galing sa trabaho, lahat ng ginawa nito ng buong maghapon sinasabi nito sa kanya, at kailanman hindi siya nito pinakitaan ng masama mula ng magsama sila, kahit anong galit at sumbat ang inaabot nito sa kanya, nanatili pa rin ito mapagkumbaba

"Alam mo Julie, Nakakatawa si Mama't Papa, tinatanong nya kung may apo na daw sila" kwento nito isang gabi na nag di dinner sila

"O?Anong sabi mo?" sabay inom ng juice

"Sabi ko, ineenjoy pa natin itong pagsasama natin, at wala pa yon sa plano nating dalawa"

ibinaba nya ang baso at kunwari ay walang pakielam na sumagot

"Mabuti naman, at alam mo ang sitwasyon nating dalawa"

hanggang kasi ngayon magkabukod parin sila ng silid na tinutulugan, mula nang mangyaring nagkasakit si Elmo iniwas na ni Julie na magkaroon ulit sila ng physical contact sa isa't isa

nakita nya ang biglang pagtamlay ni Elmo na kumain

"Bakit mo ba ako pinakasalan?" bigla nyang naitanong dito

gulat itong napatingin sa kanya

"Sagutin mo nga, bakit mo ba ako pinakasalan ha?"

tumikhim ito bago nagsalita

"Dahil...'"

"Ano??" naiinis na siya sa pambibitin nito

"Dahil Mahal kita"

napaawang ang labi nya sa narinig mula dito

"Ano ulit ang sinabi mo?"

ginagap nito ang kamay nya at pinisil iyon

"Dahil mahal kita.. Mahal na mahal kita.."

bawat katagang binitiwan nito ay nararamdaman ng puso nya,

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon