9.

2.3K 46 1
                                    

"Hello?" inaantok na sinagot ni Julie ang tumatawag sa phone niya

"Julie?" sagot ng nasa kabilang linya

"Hmmm...Mitch?"

"Oo! buti naman natatandaan mo pa ako!"

biglang nawala ang antok nya ng marinig ang ingay na nanggagaling sa kausap

"Oo naman, lagi tayo magkasama nung college pa tayo, nasa pinas ka na ba?" patamad siyag sumandal sa headboard, nagkahiwalay lang sila nung nag abroad ito para mag work sa canada, pero patuloy pa rin sila may communication through e-mail

"Yup! 3 days na ako nandito, sasadyain sana kita diyan sa inyo bukas e"

"Oh sure! yun lang pala e, mukhang marami kang ichi chika sa akin, wait, nasa bar ka ba? ang ingay kasi e.."

malakas na natawa ang kausap

"U-huh! hey! ikaw itong may ichi chika sa akin, sabi mo dati nag-asawa ka na! at si Elmo pa ha? loka ka, crush ko pa naman yun dati!"

napangiti si Julie sa narinig, matagal nang crush ni Mitch si Elmo, minsan kasi sinusundo siya ni Elmo sa university, nung panahon na nanliligaw pa sa kanya si Sef, dito nya binubuyo dati si Elmo pero ayaw ni Elmo kay mitch.. yun pala..

napalawak ang ngiti niya ng ma realize ang dahilan

"Hoy! andyan ka pa ba?" tanong ng nasa kabilang linya

nahimasmasan si Julie nang marinig muli ang boses ni Mitch

"Oo naman-

"wait! Tama ba itong nakikita ko???"

"Ang alin?" napakunot noo si Julie, kahit di nya nakikita ang kaharap mukhang nakakita niya na ang itsura nito, malamang kasalukuyan itong nakakita ng boyband na ubod ng cute or isang rockstar na hapit ang pants ang suot o kaya naman ay may artistang gwapo na naligaw sa bar na napuntahan nito

"Nasan nga pala ang asawa mo Julie?" paglihis nito ng tanong

naguluhan siya sa sinabi nito, di nya pala nasabi dito na nagkahiwalay sila, nagdahilan na lang siya kay mtich

"Ano e..nasa kanila.. umuwi muna, bakit mo naitanong?"

"Seryoso ka ba?? eh ayun siya o!! kitang kita ko may kasamang babae!"

tuluyan nang nagising ang diwa ni Julie

"Ano???? sigurado ka ba diyan mitch??"

"Oo naman noh?? gusto mo describe ko pa ha??"

agad na napabangon si Julie

"Nasaan ka ngayon Mitch??? saang lugar yan??"

dinetalye nito ang bar na kinaroroonan nito at sa kailaliman ng gabi, humahangos na nagmaneho si Julie

.

.

Kanina pa pilit na ngiti ang binibigay niya kay Claire, magmula ng dumating siya sa bar na yon wala na itong ginawa kundi lumingkis sa kanya, di niya naman ito mapagsabihan, ayaw niya kasi ito mapahiya, naiinis na napabuga ng hangin si Elmo

"Moe..wala nang laman ang glass mo, wait order pa tayo"

bago pa siya makasagot tinawag na nito ang waiter at mabilis na nasalinan nito ang baso niya

"Last ko na to claire,okay?" napapailing na tiningnan niya ito, mukhang balak pa ata siya nito lasingin, kundi lang malapit na kaibigan ng pamilya niya ang family nito malamang kanina niya pa ito iniwan

"Sige..san mo balak magpunta pagkatapos?"

napamulagat siya sa sinabi nito

"sa bahay na, naglibang lang naman ako kaya ako napadpad dito, pagtapos ko itong inumin, uuwi na ako"

"Oh.." at dinikit pa nito ang dibdib sa braso niya at binulungan siya ng mahina sa tenga niya

"Doon muna tayo sa condo ko..if you like.." mapang akit na aya nito

.

.

.

"Nasan siya?" agad siyang sinalubong ni mitch sa entrance pa lang ng Bar

"Nasa Loob siya, tara!" hawak nito sa kamay niya at dinala siya sa mausok at maingay na lugar na yon,madilim halos sa loob, tumigil sila ni Mitch sa isang sulok

"Ayun siya o!!" sabay turo nito sa kanya

pinilit niya inaninag ang tinuturo nito at halos manlaki ang mata niya sa nakita!

halos ipagtalukan na ng babae ang dibdib nito kay Elmo sa sobrang dikit! at ang magaling naman niyang asawa ay mukhang enjoy na enjoy!!!

"Elmo" gitil niyang banggit habang papalapit sa mga ito

sa mga oras na yon, gusto na niyang pasabugin ang bar sa sobrang galit at selos!!!

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon