5.

2.2K 43 1
                                    

Kanina pa patingin tingin si Julie sa Wall clock nila sa sala, alas onse na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Elmo, tumawag siya kanina sa opisina nito pero kanina pa raw ito nakaalis, naiwan naman ni Elmo ang cellphone nito sa kwarto

Nag-aalalang sinulyapan nya ang pinto nang marinig nya ang ugong nang sasakyan

"Moe!" naiusal nya at nagmamadaling binuksan ang pinto palabas ng bahay, nakita nya ang pagbaba nito sa kotse

"Julie? Bakit gising ka pa" gulat nitong tanong ng makita sya

imbes na sagutin sinalubong nya ito ng yakap

"Bakit hindi ka pa natutulog?" patuloy na tanong nito sa kanya

naamoy nya ang alak sa hininga nito

"Uminom ka ba?"

iniwas ni Elmo na sagutin ang tanong niya at inakbayan siya palakad patungo sa loob ng bahay

"Tara na sa loob.. kumain ka na ba?"

Humilig siya sa balikat nito at niyakap ng isang kamay nya ang beywang ni Elmo

"Hindi pa...Hinihintay kasi kita e..."

Natigilan si Elmo sa narinig

"Anong oras na ah..sige, magbibihis lang ako ha?"

tumango si Julie sa asawa

"Ihahanda ko na yung pagkain, bilisan mo ha? gutom na ko sa tagal mo umuwi e"

at bahagyang syang sumimangot para makita nito ang pagtatampo nya

natatawang hinalikan ni Elmo sa noo ang asawa

"Sige po, kasing bilis ako magbihis ni Superman!! Up Up and away!!"

sabay taas ng kanang kamay ni elmo at nilagay sa bewang ang isa nitong kamay, ginagaya ang pose ni superman at dumiretso na ito patungo sa kwarto nila

iling iling na natatawa si Julie sa nakitang kakulitan ni Elmo

.

.

.

"Bakit ginabi ka na umuwi at nakainom ka?"

hindi makatiis na tanong ni Julie habang kumakain sila ni Elmo

"May meeting kasi kami ni MR. chua, tapos siyempre konting inuman, ayun.. napainom na rin ako.."

"Bakit di mo sinabing gagabihin ka? tumawag pa naman ako sa office nyo, wala ka na daw doon.."

"Hindi ko naman akalain na hihintayin mo ako..sorry na.." pag-alo nya sa asawa

"Ewan ko sayo"

nakangusong sabi nya habang ngumumguya

lihim na napapangiti si Elmo sa gingawa ni Julie

"Eto naman...anong gusto mo gawin ko para mawala tampo ng asawa ko?"

"Bahala ka, basta wag kang tatabi mamaya, yan parusa mo"

kunot noong napatingin si Elmo sa mukha ng asawa

"Pambihira naman o..hindi ako makakatulog nyan.." at pinapungay pa ang mata dito

iniwasan ni Julie ang mata ni Elmo, baka kasi hindi nya mapanindigan ang sinabi nya kung titig pa siyang muli dito

"Ah basta! wag kang tatabi! ikaw na magligpit nyan! hmp!" sabay inom ng tubig at umalis na sa harapan ng asawa

kamot kamot na tiningnan ni Elmo ang asawang nagtatampo, umiling siya kasabay ng pagsubo ng huling pagkain na nasa plato nya

"Ano kaya magandang gawin sa nagtatampong asawa?" at sumilay ang isang ngiti

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon