The Promise | Epilogue

4K 73 6
                                    

"Ang cute cute mo talaga! para kang anghel!" nakangiting nanggigil na pinaghahalikan ni Julie ang hawak na sanggol

"ooo....haaaa! Bulaga!" panggugulat pa ni Julie, sabay tawa ni baby seth, at kilig na kilig itong kinakampay ang mga maliliit na paa

"mukhang sinosolo mo si baby seth ah! ako naman!" nakangiting inilahad ni Elmo ang mga bisig kay Julie, masayang binigay yon ni Julie sa asawa

inugoy ugoy ni Elmo ang baby sa mga bisig niya at unti unti humihikab ang sanggol

"Wow..! napatulog mo si baby seth!" namilog ang mata ni Julie

"Oo naman! ikaw nga gabi gabi nakakatulog sa mga bisig ko, ito pa kayang si Baby?" pilyong tugon ni Elmo, masayang kinurot ni Julie sa tagiliran ang asawa

"Abah pre, mukhang knock out na si bunso ah!"

sabay lapit sa kanila ni sef at kinuha ang baby nito na nasa bisig ni Elmo

"Oo nga pre, pangatlo nyo na yan ni Minette pre, lumalaki na ang pamilya nyo"

ihinilig ni Julie ang ulo sa balikat ng asawa habang tinitingnan ang baby na hawak ni sef, may lihim na kirot na naramdaman si Julie sa nakitang tagpo na yon... kung sana ay may anak sila ni Elmo..

"Ayos lang yun pre, may regular naman ako trabaho at si minette naman may negosyo kahit nasa bahay, atsaka pre, baka nalilimutan mo? galing ako sa malaking pamilya! haha!"

natatawang napailing na lang si Elmo kay Sef, kinuha siyang ninong nito sa bunso nitong anak na si Seth, inaya nya na rin si Julie para pormal nang maayos ang lahat at ang nangyari sa nakalipas ay mananatiling hanggang doon na lang..

.

.

.

papikit na ang mata ni Elmo para matulog ng magtanong ang asawa niya

"Moe...Masaya ka ba?"

"Huh? Oo naman..bakit bigla mo naitanong?" at isang iglap nawala ang antok niya sa tanong ni Julie, nakatunghay lang ito sa kanya habang yakap yakap siya ito

"Masaya ka kahit... wala tayong anak?"

kitang kita ni Elmo ang sakit na rumehistro sa mata ng asawa, pitong taon na kasi sila naghihintay...

"Minahal kita ng hindi naghahangad ng kapalit.."

"Kaso.." nababakas nya ang takot sa mukha ni Julie, niyakap niya ito ng mahigpit

"Lam mo Julie..ang hindi natin pagkakaroon ng anak ay hindi magiging basehan para hindi ako maging masaya sa pagsasama natin... mahal na mahal kita.. ang pagmamahal mo ang nakakapagpapasaya sa akin.. siguro, ang pagkakaroon natin ng anak, isang karagdagang kasiyahan para sakin, kung sakali man na hindi tayo mabibigyan non, sapat na ang pagmamahalan nating dalawa, yun pa lang kuntento na ako"

"Pero hindi kumpleto Moe...yung matatawag na pamilya.."

napabuntong hininga si Elmo, wala naman may diperensya sa kanila, kapwa na sila nagpatingin sa espesyelista at sinasabi sa resulta na pareho sila may kakayahan makabuo ng anak, ilang bwan siyang nag leave at hinayaan sa magulang ang pamamahala ng kumpanya para ma ipokus sa paggawa ng magiging anak nila ni Julie pero mailap pa rin sa kanila ang tadhana.. hanggang paghihintay na yon ay umabot na sa pitong taon..

Sinubukan nila mag-ampon..pero ang sabi ni Julie maghintay pa daw sila.. pero unti unti na siyang nawawalan ng pag-asa kaya hinahanda niya na ang sarili na silang dalawa na lang talaga.. kung magkakaroon man.. siguro..wala nang mas liligaya pang ama sa buong mundo sa kanya..

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon