3.

2.4K 50 2
                                    

marahang pinupunasan ni Julie ang buong katawan ni Elmo, Hindi nya na ito nadala sa silid, tanging sa sofa ng sala nya lang ito nakayang buhatin, malaking tao kasi Elmo lalo pa itong bumigat dahil sa pagkawala ng malay tao nito

Namumutla ang mukha nito, dahan dahan nyang dinala ang bimpo sa noo ni Elmo

"Julie..Julie..."

nakapikit nitong sambit, mukhang nagdedeliryo ang asawa nya

"Sorry.." patuloy nitong sabi

biglang napabitin sa ere ang bimpong pamunas nya, dahil sa paghingi nito ng tawad, naalala na naman nya ang ginawa nito, nagdesisyon siyang iwan na lang ito doon

"I...Love you..Julie..proprotektahan kita..

napatuwid siya ng upo at muling napatingin dito

"hindi kita sasaktan..hindi kita papayagang masaktan.."

panay galaw ang ulo ni Elmo habang nakapikit, samatanlang siya ay nakaawang ang mga labi na nakatunghay sa lalaking nakahiga

"Anong pinagsasabi nito? anong proprotektahan?" hindi makapaniwalang tingin nya dito

hinintay nya ulit ito magsalita, pero wala ng lumabas sa bibig nito kundi ungol at malalakas na ubo, hindi na siya umalis sa tabi nito, hindi nya alam kung ano ulit ang sumanib sa kanya para kuhanin muli ang bimpo at punasan ito para guminhawa ang pakiramdam ni Elmo

"Siguro nakokonsensya lang ako dahil sa nangyari"

.

.

Naging maganda ang pakitungo ni Elmo sa kanya dati nung magkakaibigan pa sila, lalo na at pinagtatakpan siya nito sa magulang nya kapag nakikipagkita siya kay sef, pero ang ipinagtaka nya lang nung muling hinintay nila si Sef sa tagpuan sa burol, hindi muling sumipot si Sef, ala-una na sila ng madaling araw nakauwi na ikinagalit ng husto ng magulang nya

pero ikinagulat nya ang huling sinabi ni Elmo sa mama't papa nya

"Patawarin nyo ho kami, may relasyon po kami ni Julie, tito, tita.."

nanlaki ang ulo nya sa sinabi nito

"Elmo...anong pinagsasabi mo??" saway nya dito pero parang wala itong narinig at dire diretso itong nagsalita

"Handa ko po tanggapin ang kaparusahan nyo dahil sa paglihim ng relasyon namin"

"Alam mong konserbatibo ang pamilya namin, at sa gabi gabi nyong pag-uwi na magkasama kayo, at ngayon ay inumaga pa kayo!"

nakayuko lang si Elmo na tinanggap ang sermon ng magulang, habang siya ay naguguluhan sa nangyayari, strategy ba ito ni Elmo para pagtakpan siya??

"Binalewala mo ang tiwalang binigay namin sa iyo Elmo!" sabi pa ng mama nya

bigla siyang nagkaroon ng simpatya para sa kaibigan

"Kung gusto mo ibalik ang tiwala na yon, at para naman sa dangal ng aking anak, iisa lang ang nararapat mong gawin" ani ng papa nya

napaangat si Elmo mula sa pagkakayuko "Ano po yon tito?"

"Akuin mo ang responsibilidad ng ginawa nyo, Magpakasal kayo!"

at bago pa makasagot si Elmo iisa lang ang biglang lumabas sa bibig ni Julie

"HIIIIINNNNDDDDDIIIIIIIII!!!!!"

.

.

Pero hindi rin siya nasunod, mabilis na itinakda at naganap ang kasalan, at eto ngayon, pinupunasan nya ang nagdedeliryong asawa,

The Promise (JuliElmo FF) fr TumblrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon