Katotohanan

260 1 0
                                        

Mahirap at masakit tanggapin ang katotohanan
Ngunit wala ka namang ibang pagpipilian
Kaysa naman mabuhay ka sa kasinungalingan
Mas masakit ito at nakakadurog ng kalooban

Sabi nila kapag nasaktan, hindi totoo ang pagmamahal
Bakit nga ba ang tao ay nagiging garapal?
Totoo ito dahil naramdaman at nasaktan
Sadyang ang pag-ibig na namagitan ay hindi nagtagal

Walang nagtatagal ng panghabang buhay
Lahat ay naghihiwalay
Ngunit hindi ibigsabihin nito ay tapos na
Sapagkat habang may buhay ay may pag-asa

Marami ka pang makikilala
Hindi lang isa o dalawa
Mawawala rin ang sakit
Hindi mo kailangang magmadali at ipilit

'Kay bilis na nagbago ang lahat
Hindi malaman kung ito ba ay dapat
Tanggapin na lang ang katotohanan
Upang hindi na masaktan pa ng lubusan

Mga Tula ni LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon