Hindi ka kagwapuhan
Pero may taglay kang kabutihan
Hindi ka matalino
Pero marunong kang magpakatotooIlang taon na nga ba kitang pinagmamasdan?
Mula sa malayo ika'y tinitingnan
Pilit tinatago ang nararamdaman
Dahil kahit umamin alam kong walang patutunguhanParang kang bituin na 'kay hirap abutin
Lagi na lang akong hanggang tingin
Gustong-gusto kitang lapitan
Ngunit wala akong lakas ng kaloobanPara kang bulaklak na humahalimuyak
Kapag narinig ang pangalan mo tenga ko'y pumapalakpak
Ang boses mo ay musika sa pandinig ko
Nahihibang na ata akoHindi ikaw ang tipo kong lalaki
Hindi rin ako ng ang tipo mong babae
Pero bigla na lang akong nahulog sayo ng walang pasabi
Hinahanap-hanap na kita umaga't gabiSana kahit papaano malaman mong nandito ako
May isang tulad ko na nagmamahal sayo
Tanggap ka sa kung sino ka
At hindi ka ipagpapalit sa ibaTanging hangad ko lang ay sumaya ka
Kahit pa sa piling ng iba
Minahal lang naman kita
Hindi mo kasalanang may mahal ka ng ibaTanda mo pa ang langit lupa?
Laro ng mga bata
Parang ikaw at ako lang
Hindi magtatagpo kahit kailan