Sabi nila mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba
Sa madaling salita, mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba
Iba at hindi ikaw
Hindi magbabago iyon kahit sumikat pa ang arawHindi na ako nadala
May gusto na naman ako kahit hindi halata
Paano ba naman lagi kong pinagkakaila
Sapagkat batid kong wala akong mapapalaBukod sa kabaitan mo
Alam kong unang kita ko pa lang sa'yo
Tinamaan na talaga ako
Kahit pa binato mo ako ng mga salitang "Friends na tayo!"Friends? Ano iyon?
Nakakain ba 'yon? At anong tayo? Walang tayo!
Pero sino ba naman ako para tumanggi?
Ang mahalaga kahit papaano ika'y nakakatabiItong nararamdaman ko sa'yo ay pilit kong itatago
Wala akong planong iparating sa'yo
Dahil wala rin namang magbabago
Baka mamaya ay layuan mo pa ako
![](https://img.wattpad.com/cover/108936083-288-k541579.jpg)