Killer's POV
"Sunod-sunod ang pamamatay na nagaganap sa mga pinakakilala at mayayaman na nagmamay-ari ng mga kumpanya sa ating bansa! Ayon sa mga taong napagtanungan namin, ang pumapatay at ang mga namamatay ay galing sa industriya ng mga mayayamang gangster. Sino ang taong nasa likod ng mga krimen, at bakit niya ito ginagawa? Makukulong ba siya kung sakaling--" hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ng reporter dahil hinagis ko ang flower vase sa TV dahilan upang mabasag ang LCD nito.
Wala na ba 'kong ibang maririnig sa mga balita kung hindi ang pagkilala sa akin at kung bakit ko ito ginagawa?
At tungkol sa tanong ng reporter, syempre hindi ako pwedeng makulong.
Wala silang karapatan na ipakulong ako dahil kung gangster ka tungkulin mong pumatay at yun ang kasunduan ng mga gangs, ang..
Pumatay nang hindi nakukulong.
Kung hindi ka marunong lumaban, talo ka. At kung hindi ka mayaman, patay ka.
Kaya ito ako ngayon, ipaghihiganti ko ang isa sa mga mahal ko na nawala sa buhay ko dahil hindi niya nakuhang lumaban sa kung sino man ang pumatay sa kanya.
Lahat ng sagabal sa mga plano ko, papatayin ko! At lahat ng pipigil sa pagpapayaman ko, papatayin ko rin!
At sa pumatay sa pinaka-mahalaga sa buhay ko...
PAPAHIRAPAN AT PAPATAYIN KO RIN SIYA!
BINABASA MO ANG
A Tear Fell From An Evil (Onhold)
RomanceLove Me! Kill Me! LOVE, ang salitang sa puso'y maghahatid ng galak at kasiyahan. Pero paano kung ito rin ang magiging dahilan kung bakit mabubuo ang salitang KILL sa bokabularyo ng isa't isa? Maisasalba ba nito ang pagmamahalan nilang dalawa, o ito...