6 ~ The Mansion

14 2 1
                                    

Loirezeigh's POV

"Take Care Ma--"

"Stop it! Di ba kayo nagsasawa?!"

Hindi na natuloy ang pag-greet ulit ng mga katulong at butlers sa akin noong lumabas ako dahil sumigaw na ang Emperor kuno daw nila.

Bwahahahahahaha!! Nakakatawa silang pagtripan, parang robot na automatic na magsasalita kapag pinindot.

Isa pa, kitang-kita ko sa mukha ni Loser na inis na inis sya.

Sarili nyang mga katulong, nagagalit siya?! Kung naiirita sya, edi sana pinapatigil nya sa paulit-ulit na greetings nila, right?

Nagpipigil ako ng tawa ngayon sa reactions ng mga tagasilbi nitong mayabang na'to, formal na formal hindi man lang ngumingiti. Literal na straight face hahahaha.

Lumabas naman si Loser kaya naman..

"Take Care Emperor!"

Walang silang tigil sa greetings nila kahit inis na inis na ang amo nila, wag sabihin ng Loser na'to na wala syang choice sa mga kasambahay nya?! Gosh! Wahahahahahaha!

Ako naman dito, nagpipigil ng tawa. Ayoko namang humalakhak kung ganyan ang mga mukha nila noh!

Hinila na naman ulit ako papasok sa mansyon ng kumag na'to.

"Good Evening Emperor and Ma'am!"

"Tss." sagot ni Loser.

See? Inis na inis sya sa sarili nyang mga tagasilbi.

Bat ba kasi lagi akong hinihila nito?! Hindi naman ako aso. Psh!

Hinila nya ako paakyat sa ikalawang palapag nitong mansyon.

Huwaw! Ang ganda ng interior design! Halatang mayayaman ang nagpagawa. Para syang castle.

Nakarating kami sa pinakadulo ng isang hallway.

Heto na ba?! Pagbabayaran ko na ba ang mga kasalanan ko sa kanya?! Waaaaahhh! Paglilinisin nya ako?! I ra-rape?!! Ikukulong?!!!!!

"No!!!!!!!!!!!!"

"Can you please shut your f*cking mouth?!"

Eh?! Naisigaw ko yun?

"No, I can't shut my gorgeous mouth."  sagot ko sa kanya.

"Tss." maikling sagot nya.

Kasunod ng pagsabi nya nun ay ang paglapit namin sa ikalawang pinakadulo na silid dito sa nilakaran naming corridor.

Anong gagawin nya sa akin?! Waaaaaaahhhhhhh--WOW!!

Pagbukas nya sa pinto ng silid, bumungad sa akin ang pure white interior color ng room at ang sandamakmak na medicines and medicinal kit.

Para akong nasa pharmacy sa sobrang dami ng nakikita kong gamot! Gosh!

Hinila nya ako sa isang couch, sapilitan nya akong pina-upo at iniwan ako para kumuha ng bandage, betadine, cotton, alcohol, at kung anu-anu pa na nasa isang tray. Meron pa ngang iba't ibang mga scissors na ginagamit ng mga doctors sa pang o-opera e.

Anong balak nya?! Papatayin nya ba ako?!

Lumapit na sya sa akin at ipinatong ang dala nyang tray sa table na nasa harap ng couch then umupo na sya sa tabi ko.

"Give me your hands." at saka sya pumalad sa akin.

"I can't give you my hands, these are mine and I can't cut them."

Baliw yata 'to e! Anong gusto nya?! Apat ang maging kamay nya?! Kaya ba ganun ang mga bagay na nasa tray?

"Tsk!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Tear Fell From An Evil (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon