4 ~ Meet The Revenge

38 3 0
                                    

Third Person's POV

Dinala ang miyembrong pinaghihinalaan na nagtaksil sa luma at abandonadong gusali na pagmamay-ari ng kanang kamay ng pinuno. Kabilang ang kanilang gang sa pinakamisteryoso at  kinakatakutang gang sa bansa.

Walang nakakikilala sa gang leader nilang si XX, pati ang mga miyembro ay nami-misteryosohan din sa kanilang pinaka-pinuno.

Ang traydor na miyembro ay itinali sa isang upuan at sapilitang ipinagsasalita sa isang gawaing siya lamang ang nakaaalam sa dahilan.

"ISA KA BA SA NAGTATAKSIL SA GANG?! SUMAGOT KA!" galit na sambit ng isa sa mga inutusan na bugbugin ang nasabing sumalungat sa grupo.

*boogsh boogsh*

*pakk*

Suntok, sampal at samu't saring pagpapasakit ang inabot niya habang patuloy pa rin sa pag-iisip ng mga taong dahilan kung bakit kailangan niyang magtaksil sa kanilang gang.

Pinagmamasdan lang siya ng kanang kamay ng pinuno na nagngangalang AC na wari ba'y pinag-aaralan ang bawat emosyon na pumipinta sa kaniyang duguang mukha.

"Putek pare! Ayokong nakikita kang ganyan! Kabilang pa'ko sa mga kailangang sumusuntok sayo! Bakit ka ba pumanig sa kabilang grupo?! Alam mo namang sila ang mahigpit na kaaway natin dito?! Sagutin mo'ko pare!" awang-awang sa kanya ang isa sa naging matalik na kaibigan nya sa gang na pinasukan nya.

"Kahit patayin nyo ko, hindi ko sasabihin ang dahilan." nanghihinang sagot nya sa kaibigan.

Ayaw niyang sabihin na ang dahilan ng kaniyang pagtataksil ay ang kaniyang pamilya. Kailangan niya ng dobleng pera upang maipagamot ang kaniyang ina na kasalukuyang nakaratay sa ospital dahil sa cancer.

Naisip niya noon na habang naninilbihan siya sa tunay niyang gang, sasali din siya sa isa upang mas malaking pera ang kaniyang kitain. Sa gayon, kaya niyang tustusan ang mga gamot ng kaniyang ina at mga pangangailangan ng kaniyang kapatid.

"Paki-abot na lang ito sa pamilya ko." habang inaabot niya ang halos malukot at mapunit na papel sa kaniyang mga gangmates.

"BAKIT DI MO PA KASI SABIHIN ANG DAHILAN?! T*KTE!" sigaw nung isa sa mga gangmates niya.

Tumayo na si AC sa kaniyang kinauupuan. Lumapit siya sa taong ngayo'y kanyang kinaiinisan at kinamumuhian.

Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taksil, lalo na sa kanilang gang. Pinaniniwalaan niya na ang mga traydor ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagkakataong manghimasok ang ibang gang sa puder nila.

"'Wag na kayong magsayang ng oras, marami pa tayong gagawin" sabi ni AC.

Pinasadahan niya ng tingin ang ngayo'y duguang mukha at hinang-hina na gang member nila. Inabot niya ang isang Glock .45 Caliber G.A.P na baril sa matalik na kaibigan ng taksil habang hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang malamig na tingin.

Ang uri ng baril na nabanggit ang gamit ng lahat ng mga ordinaryong miyembro ng gang. Lahat sila ay pare-pareho.

Nanginginig naman na inabot ito ng inutusang magwakas sa buhay ng isa sa mga miyembro.

Sinimulang magbilang ni AC nang..

"Singko!.."

"Kwatro!.. "

"Tres!.."

"Dos!.."

"Uno!.."

Kasabay ng pagpihit sa baril ay pagwawakas ng isang buhay na tanging hangad lamang ay ang mapabuti ang kaniyang pamilya.

A Tear Fell From An Evil (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon