Amanda
Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin at hindi ako ma ka paniwala sa ikalawang pagkakataon nadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa sarili ko na hindi na muli ako magpapaloko pero ano tong ginawa ko inalay ko na naman ang katawan ko sa kanya.
Naiinis talaga ako sa sarili ko dahil sa kapusokan ng puso ko, kailangan ko na talagang umalis sa bahay nato. Ayoko ng magpaloko muli sa kanya nasasaktan lang ako sa tuwing na kikita ko ang mukha niya. Hindi niya pweding diktahan ako sa anong mang gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi ako katulad ng mga ibang tao na susunod agad sa mga gusto niya.
Hindi ako ganon pinalaki ng mga magulang ko. Kahit kailangan hindi nila nagawa pagutosan ako kaya wala siyang karapatan na ikulong ako dito at pagkatapus gagamitin niya lang ang katawan ko para sa personal na kaligayan niya.
Kinuha ko na ang mga damit kong nakakalat sa sahig at walang ano ano sino-ot ko ito. Humanda siya sakin dahil simula ngayon hindi niya na ako makikita pa. Agad na akong lumapit sa pinto wala na ako pakialam kong nan dyan siya, hindi niya pweding gawin sakin to. Pinalaki ako ng mga magulang ko na may tamang pagiisip. Alam kong katawan lang ang habol niya sakin kaya hindi ko pweding ibigay sa kanya to kahit na dalawang besis na niya itong inangkin at kinama.
At isapa wala akong paki kong kasal kami dahil simula sapol hindi ko pinangarap na ikasal ako sa taong tanging tingin lang sakin ang isang laroan na kahit anong oras pwedi nilang yang paglaroon. Hindi ako papayag sa gusto niyang magyari.
Oo kasal kami pero sa papel lang yon at wala akong paki don, humanap siya ng babae na pwedi niyang maging sex slave niya dahil hindi ako pok-pok. Kong sa tingin niya masaya siya sa ginagawa niya sakin pwes hindi ako natutuwa. Agad ko ng binukasan ang pinto at laking gulat ko ng makita ko ang dalawang katulong nito na nakatayo sa labas ng kwarto at may hawak itong mga pagkain.
"Ma'am utos po ni Sir bawal kayong lumabas ng kwarto niyo." wika ng isang katulong, tinignan ko kang siya sa mata wala akong paki sa pinagsasabi niya.
"Kabilin bilinan niya po na manatili kayo nasa loob hanggang sa dumating siya."
"At sino ka naman para pagsabihan ako ng ganyan! Pwedi bang umalis kayo sa harap ko kong ayaw niyong masaktan!"
"Ma'am hindi nga kayo pweding lumabas mapapagalit po kami."
"Wala akong paki kong mapagalitan man kayo. Kailangan kong makaalis dito sa walang kwentang bahay nato!"
"Hindi ka nga pweding lumabas Ma'am." wika niya dala ng inis.
Buong lakas kong sinara ang pinto na kinagulat ni lang dalawa tinaasan ko lang sila ng kilay at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
Bawal akong lumabas? Talaga lang. Akala niya siguro mapipigilan niya ako hindi na ako bata na isang utos niya lang madadala na ako. Nang makalabas na ako sa walang kwentang bahay niya, tinignan ko mo na itong mabuti. Hindi mo na ako mapipigilan pa James at sisiguradohin ko na hindi mo narin ako mahahanap pang muli.
Timalikod na ako at nilisan na ang bahay niya. Dali dali na akong bumalik sa inoopahan kong bahay dahil kailangan kong magpakalayo-layo ngayon mula sa kanya. Ka paghindi ko yon ginawa pahihirapan niya lang ako, wala naman siya pakialam kahit na lumoha pa ako ng dugo kakaiyak sa harapan niya.
Pagdating ko sa bahay 'ay agad ko ng kinuha ang malaking kong malita sabay lagay lahat ng damit ko, make up, papelis ko, credite card ko sa bangko na wala namang kalaman laman at nang mailagay ko na ang lahat sa malita ay agad na akong lumabas ng bahay. Pupunta ako sa probensya doon mo na ako. Sigurado akong hindi na niya ako masusundan doon.
BINABASA MO ANG
My Hot One Night Stand - COMPLETE
RomanceHow far will you going to sacrifice in the name of love.